Dugo at pawis ang puhunan, Agot hindi pa matanggap na hawak ng masamang tao ang kanyang P3M
Hindi nga naman biro ang manakawan ka ng tatlong milyong piso, kaya naiintindihan namin si Agot Isidro kung manghina ito sa mga mabilis na pangyayari dahil sa naging biktima siya at ang kanyang kasambahay ng Dugo-Dugo Gang noong nakaraang December 6.
Matagal na naming kilala si Agot at alam namin kung gaano niya pinahahalagahan ang kanyang mga kinikita sa showbiz.
Noong una nga raw ay parang inisip lang ni Agot na material things lang ang nawala sa kanya at mapapalitan niya ang mga iyon. Pero na realize nga niyang masakit na tanggapin na lahat ng pinaghirapan niya ay bigla na lang nanakawin ng mga taong ito.
Pahayag ng singer-actress nang ma-interview siya ng 24 Oras: “Iniisip ko, ano lang ‘yan, kikitain din ‘yan. Pera lang ‘yan. Alahas lang ‘yan. Do not be attached to material possessions.
“Pero it’s not that, eh. After a while, nagdu-dawn na sa akin na... it’s all my hard work. It’s all the blood, sweat, and tears that is now in the hands of very bad people.”
Dasal namin na mahuli ang mga taong ito na ginagawang biktima ang mga taong nagtatrabaho ng maayos. Hindi tama na basta na lang nakawin ang pinaghirapan ng iyong kapwa.
Nakuha ring modelo ng malaking tindahan Janine nagbunga na ang pagpupursigi sa Amerika, kasama na sa pelikulang nanalo sa Oscars ANG direktor
Nakakuha na nga ng green card ang former Bb. Pilipinas-Universe at 1st runner-up sa 2012 Miss Universe na si Janine Tugonon.
Sa isang panayam kay Janine, sinabi nito na siya mismo ang nag-petisyon sa kanyang sarili para magkaroon siya ng permanent resident sa US.
“If you’re an artist, businessman, you can petition yourself. I said, I wanna go to the US to do this, but you have to make sure you’re going to do that,” diin pa niya.
Pagkatapos nga niyang i-relinquish ang kanyang korona bilang Bb. Pilipinas-Universe ay tumungo agad sa US si Janine para mag-aral ng acting at subukang magkaroon ng modeling career doon.
Hindi nga raw madali para kay Janine ang lahat dahil kung dito sa Pilipinas ay kilala siya bilang celebrity, sa US daw ay ordinaryo lang daw ang estado niya.
“Actually nga, nu’ng nag-apply ako for immigration, ‘yun ang una kong sinabi. ‘Okay, I’m Miss Universe first runner-up,’ and they were like, ‘Oh, so what?’” sey pa niya.
Kahit nga raw sa mga casting for TV ads and commercials na pinupuntahan niya, malaking competition dahil marami raw siyang nakakasabay parati na iba’t ibang mga modelo.
“Everytime I go to castings, ang dami talagang models. Minsan, hindi lang puro Asians, puro mga puti at Europeans. Ang gaganda nila at ang papayat,” diin niya.
Pero sinuwerte nga si Janine na mapili siya para gumawa ng national ad para sa isa sa malalaking US retail company na WalMart at ang bank na Wells-Fargo.
“Before I got the Wells-Fargo job, my gosh, it took me like, several castings... So far naman, I’ve been getting jobs which is a good thing. Kasi kung hindi, I have nothing to pay for rent which is gonna suck,” tawa pa niya.
Latest news nga kay Janine ay nakatanggap siya ng callback para sa isang movie role na ididirek ng Oscar winning filmmakers na sina Joel and Ethan Coen.
Inamin ni Janine na dumaan na siya sa sampung auditions at sinuwerte siyang makatanggap ng callback.
Dating heartthrob na si Freddie Prinze, Jr. tuluy-tuloy na ang paggaling
Unti-unti na ngang nakaka-recover ang Hollywood actor na si Freddie Prinze, Jr. pagkatapos itong dumaan sa isang spinal surgery.
Ayon nga sa misis ng former Hollywood heartthrob na si Sarah Michelle Gellar, nasa maayos na kalagayan na ang kanyang actor-husband at nagpapalakas na lang ito.
Aktibo nga raw sa social media si Freddie kaya updated ang mga fans nito sa mga nangyayari sa kanya.
“He’s learning how to walk again,” sey pa ni Gellar nang ma-interview ito ng People sa 4th annual Santa’s Secret Workshop sa Andaz Hotel in West Hollywood.
“I’m not joking, our mail woman, God bless her heart, was like, ‘I prayed for you, Freddie, and it worked, you’re walking.’
“He’s fine. He did have very serious surgery, there’s no question, but his learning how to walk again has been greatly exaggerated.”
Sa isang tweet nga raw ni Freddie na parang nag-aaral siya ng martial arts na jiu-jitsu sa kanyang paglalakad ulit.
Natutuwa si Gellar na muling gumagaling na ang kanyang mister dahil malapit na nga ang Pasko. Ang kanilang dalawang anak na sina Charlotte (5) at Rocky (2) ay excited na at naturuan nilang maging charitable tuwing Pasko.
Gusto ng kanilang anak na makasama si Freddie sa kanilang pag-donate ng mga pagkain at regalo sa mga batang nasa isang kilalang children’s hospital.
- Latest