Mama Salve, how true na si Congressman Ronald Singson ang bagong apple of the eye ni Jennylyn Mercado?
May nagtsismis sa akin na isang babae na kamukhang-kamukha ni Jennylyn ang na-sight na kasama ni Papa Ronald sa isang event sa Boracay.
Nang ipakita sa informer ang picture ni Jennylyn, kinumpirma niya na ang nanay nga ni Alex Jazz ang date ni Papa Ronald.
Sinabi noon ni Jennylyn sa presscon ng English Only, Please na nakikipag-date siya pero hindi niya sinabi ang name ng mystery guy. Si Papa Ronald kaya ang kanyang inililihim na constant date?
Binata si Papa Ronald at dalaga si Jennylyn. Walang masama kung ma-link sila sa isa’t isa dahil parehong mga single parent ang dalawa.
Hindi si Jennylyn ang unang aktres na na-link kay Papa Ronald dahil naging boyfriend din ito ni Lovi Poe.
Regular ang pagdalaw ni Lovi kay Papa Ronald nang masangkot ito sa isang kontrobersya sa Hong Kong. Nakakasama pa ni Lovi sa Hong Kong trip si former Ilocos Sur Governor Chavit Singson, ang butihing ama ni Papa Ronald.
Sa kasamaang-palad, hindi nagtagal ang kanilang relasyon dahil nakipaghiwalay si Lovi na maligaya na ngayon sa piling ni Rocco Nacino. Si Jake Cuenca ang special someone ni Lovi bago nito naging boyfriend si Rocco.
Relasyon kaeklayan lang pala Erik at Angeline hindi RAW gusto ang isa’t isa!
Sure na sure ang aking close friend na hindi totoo na nagkakagustuhan o may relasyon sina Erik Santos at Angeline Quinto.
Hindi ko kinontra ang aking friend kahit kaliwa’t kanan ang mga pralala na girlfriend na ni Erik si Angeline.
Basta ang sabi ng friend ko, walang katotohanan ang mga balita at hindi lahat ng tsismis ay dapat paniwalaan kesehodang ang mga sangkot ang nagbibigay ng confirmation.
Hindi pa ako “nakuryente” sa mga kuwento ng friend ko kaya siya ang pinaniniwalaan ko, hindi ang drumbeaters nina Erik at Angeline.
Mother Lily kailangang gumawa ng malaking float para magkasya ang cast ng SRR XV
Ang lead actors ng Shake, Rattle & Roll XV ang ipina-presscon kahapon ng Regal Entertainment Inc., sina Dennis Trillo, Daniel Matsunaga, JC De Vera, at Matteo Gudicelli.
Isang trilogy movie ang Shake, Rattle & Roll XV. Starring si Dennis sa Ulam episode, magkasama sina Matteo at Daniel sa Flight 666 at si JC De Vera ang leading man ni Erich Gonzales sa Ahas.
Nag-promise ang apat na sasali sila sa Parade of Stars ng 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil official entry ang Shake, Rattle & Roll XV. Kailangan ni Mother Lily na maghanda ng malaking float para magkasya ang mga artista ng pelikula niya. Ang Shake, Rattle & Roll XV ang isa sa mga pinaka-star studded na entry sa MMFF.
Matteo natawa sa pagiging pakialamera ko
“Wala pa,” ang sagot ni Matteo Guidicelli nang tanungin ko siya tungkol sa Christmas gift niya sa kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo.
Umiral ang pagiging pakialamera ko. Nag-suggest ako kay Matteo na regaluhan na lang niya ng Swatch watch ang kanyang dyowa para magkaroon ng publicity ang relo na ini-endorso niya.
Natawa lang si Matteo sa suggestion ko na very practical dahil hindi na siya mahihirapan na mag-isip ng ireregalo niya sa kanyang girlfriend.
First Christmas together nina Matteo at Sarah bilang magdyowa kaya dapat maging memorable ang holiday celebration nila ‘no!