Two sad news ang natanggap namin early Sunday evening, December 7.
First ang balita from the manager of actress Agot Isidro na nalimas daw ng dugu-dugo gang ang safe (kaha de yero) nito sa bahay. Diumano, may tumawag sa telepono na sinagot ng maid ni Agot, na kaboses daw ng actress at sinabing naaksidente siya at kailangan ang pambayad sa hospital. Ipinakuha raw sa maid ang laman ng safe, tinuruan pa kung paano niya bubuksan ito sa pamamagitan ng screw driver at hammer (martilyo).
Cash, in pesos and dollars, and jewelries ang nakuha ng maid at dinala pa niya sa Balintawak. Wala si Agot na nagti-taping ng Bagito sa Baguio City at ang isa pa raw maid niya ay day-off naman.
Goodbye Dinno…
We bid goodbye naman to our colleague, Dinno Erece (Jose Mardineo Liwanag Erece) who passed away last Sunday, December 7, 2014, 7:30 p.m.
Mami-miss namin si Dinno na isang mabuting kaibigan, hindi ka iiwanan sa laban, kaya lamang sabi nga namin, maaga naman siyang sumuko sa kanyang laban. After ng almost three years na pakikipaglaban ni Dinno sa kanyang acid reflux na nagkaroon na rin ng complications. Bago siya pumanaw, ayon sa sister niya, ilang linggo na pala siyang hindi kumakain at umiinom ng kanyang gamot, water lang ini-intake niya. Hindi na rin siya tumanggap ng tawag at text mula sa kanyang mga kaibigan at kasama sa panulat, hindi rin siya nagpadalaw sa kanyang bahay sa Bacoor, Cavite.
Naiwan ni Dinno ang kanyang 85-year old mother, mga kapatid, at mga pamangkin.
Iniwan din niya ang mga script na ginawa niya at na nagamit at naipalabas sa pelikula at telebisyon. His remains lie in state at the Funeraria Paz, Manila Memorial Gardens, Sucat, Parañaque City. Last night niya sa Wednesday, December 10, interment on Thursday, December 11.
Rest in peace, Dinno, in the bosom of your Creator, where there is no pain, no heartaches but joy and peace. Goodbye, my friend. (Nakikiramay po kami sa mga naiwan ni Dinno. - SVA)
Dating couple wagi sa Tarp 2
Congratulations si team Dating Couple Matthew Edwards and Phoebe Walker, the grand winners sa The Amazing Race Philippines 2 (TARP2) ng TV5, hosted by Derek Ramsay.
Akala namin ang mananalo ay ang team Pogi na sina Kelvin at JP, kaya lamang mas mabilis talaga ang Dating Couple at lagi silang nauuna sa mga challenges.
Pero bumilib kami sa final three teams, dahil mahihirap ang kanilang challenges, ang last iyong kinuha nila ang isang big pearl sa loob ng kabibe na nasa ilalim ng dagat more than ten feet ang lalim ng dagat sa Camiguin Island. Present din sa Camiguin ang lima pang teams na sumali sa simula ng TARP2.
Nanalo sina Matt at Phoebe ng one million pesos each, a condominium unit each at tig-isa rin silang kotse.