Ate Vi ginagawan ng isyu sa Ala Eh!

“Bakit naman si Governor Vi (Vilma Santos) ang lagi nilang sinisisi?” tanong sa amin ng isang nagpadala ng e-mail. Hindi kami aware sa issue na iyon tungkol sa isang artista diumano na kinuhang talent para sa Ala Eh! Festival. Hindi yata natuloy ang artista dahil sa bayad at kanselado rin naman ang show dahil umabot sa signal number 3 ang bagyo sa Batangas.

In fact, matagal pa ang acti­vity na ‘yan na may mga artista, sinabi nang cancelled ang show at gagawin na lang sometime later dahil nga sa bagyo. Kalokohan nga namang ituloy pa iyan kung malakas ang bagyo.

Hindi namin maintindihan kung ano iyong sinasabi sa e-mail na iyon. Kasi wala naman kaming naririnig na may artistang nagreklamo, much more inireklamo si Ate Vi.

Iyong mga artista namang nagpupunta sa kanyang mga okas­yon, halos lahat iyon ay mga kaibigan lamang niya na nagpapakita sa kanya ng suporta. Ngayon, kung may mga minor performer na kailangang isama sa show at babayaran, hindi na si Ate Vi kundi kung sino man ang in-charge sa show na ang may hawak nu’n. Ang narinig namin, this year isang production company ang kinuha nila para magbuo ng show para sa Ala Eh! Festival, which means kung anuman ang deal sa mga artista, kung may kinuha man silang iba other than the personal guests of Ate Vi, sila ang may pananagutan at hindi ang governor.

In fact, palagay namin ni walang alam si Ate Vi kung sino ang kinuha ng production company dahil hindi nga siya ang in charge sa production. Definitely, ang alam lang niya ay iyong mga kaibigan niyang personal na kinumbida niya, o nagsabi sa kanya na darating para magbigay ng suporta.

Hindi namin alam kung ano iyang controversy na sinasabi nila, wala kasi kaming naririnig.

Richard hindi nawindang sa bagyong Ruby

Nakakangiti pa rin si Richard Gomez sa kabila ng malakas na bagyong tumama ulit sa Ormoc. Sabi rin niya, ok lang ang bagyo at hindi masyadong hirap sa Ormoc. Una, hindi nga iyon naging kasing lakas ng bagyong Yolanda. Ikalawa, dahil nga sa kanilang naging karanasan noong Yolanda, naging handa na sila ngayon. Naging mabilis ang pakikipag-coordinate ni Congresswoman Lucy Torres-Gomez sa mga donor ng relief goods, at sa mga mangangasiwa ng isang rescue operation.

Hindi rin masyadong ipit si Goma, dahil sa rami nga ng kanyang showbiz commitments, nag-desis­yon na siyang umalis na muna bilang chief of staff din ng office ni Congresswoman Lucy, kaya kahit na sabihing involved pa rin naman siya sa operations dahil asawa nga niya si congresswoman, may iba pa silang nakakatulong, iyong bagong chief of staff ng kanyang misis.

Pero naging busy pa rin sila sa paghahanda, mabuti na nga lang hindi naman ganoon kalala ang nangyari talaga.

Aktor nanganganib, itinatagong mag-ina nag-aalboroto sa selos

Mukhang nagkakaroon na rin ng problema ang isang aktor sa kanyang live in partner. Masyado raw kasing selosa ang live in partner nito, na hindi mo rin naman masisi kasi nga may anak na sila. Pero dahil nga sa artista ang lalaki at may ka-loveteam pa, pilit na itinatago ang mag-ina.

Minsan, iyan ang problema eh, kailangang itago ng mga artista kung anuman ang mga personal ­nilang relasyon dahil sa kanilang career. Sana naman hindi na lumala ang problema. Pare-pareho silang maapektuhan sakaling magkabukuhan.

Show comments