Walang kabang nararamdaman si Vice Ganda sa mga kalaban niyang pelikula sa 40th Metro Manila Film Festival. Ang entry niya ay ang The Amazing Praybeyt Benjamin ng Star Cinema and Viva Films mula sa direksyon ni Wenn Deramas.
Sinasabing mahigpit niyang makakalaban sa pagiging top-grosser ang My Big Bossing ni Vic Sotto at ang Feng Shui 2 ni Kris Aquino.
Sa dalawa niyang mahigpit na kalaban, ani Vice Ganda ay wala pa naman daw siyang nerbyos sa ngayon.
“Hindi ako ninenerbyos na kung sino’ng ano. . .wala. Sa totoo ‘yun ha, sa nararamdaman ko. Baka hindi pa. Kampante pa ako,” he said.
Feeling ba niya ay ang movie niya ang magna-number one?
“Kine-claim ko lagi. Lagi kong kine-claim, no.1 ‘to, ganyan, 500 (million) ‘to, 400 ‘to, 600, kine-claim ko,” say ni Vice Ganda.
Natutuwa nga raw siya na kapag nag-search siya sa Google ng mga pelikula nilang ginawa ni Direk Wenn together, nakikita niyang ang mga ito ang laging no. 1 top-grosser for the year.
“Kaya nakakatuwa, ang bait-bait ng Diyos sa amin. Kaya kung ganu’n kalapit sa iyo ang Panginoon, matatakot ka pa ba?” pahayag ng Unkabogable comedian.
Last year, ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy ay inabot daw ng 430M. This year, say ni Vice, kine-claim niya na abot ng 600M ang gross ng The Amazing Praybeyt Benjamin in its entire run.
“Lakihan na natin dahil kung hindi man matupad, may 500 pa, kung ‘di pa rin matupad, may 400 pa,” he said.
Pero ang maipagmamalaki talaga ni Vice Ganda sa The Amazing Praybeyt Benjamin ay ang pagkaka-cast nina Richard Yap and Alex Gonzaga dahil may kasama raw siyang magpatawa. Unlike sa Boy, Girl, Bakla, Tomboy na siya lang daw mag-isa ang bida at nagpapatawa, this time ay may katuwang na siya.
“Iba talaga. Iba ‘yung presensiya ni Richard, eh. Ang laki ng naitulong niya sa akin,” he said.
Same with Alex na kahit wala raw sa script ay biglang nagkakaroon ng magandang moment ang eksena.
“Ang galing talaga rito ni Alex. May naitulong po siyang konti sa pelikulang ito,” natatawang sabi ni Vice. “Hindi talaga, ang laki ng saya ko na kasama si Alex dito, kasi nga, hindi ako nahirapang magpatawa.”
Sa pagtatapos ng taon, career-wise, ani Vice Ganda ay bongga raw ang 2014 para sa kanya.
“Ito po ang taon na pinakarami akong nakuhang awards. Eh nung nagsimula naman ako sa showbiz, eh hindi naman awards ang hinahanap ko. Gusto ko lang kumita nang malaki para yumaman ang pamilya ko para hindi na kami bumalik sa dati naming pamumuhay.
“’Yun lang naman talaga ang gusto ko. Guminhawa nang guminhawa. ‘Yung award, hindi talaga ‘yun ang aim ko.
“Pero this year, ang dami kong awards. Parang pag may awards tsutsu, laging quota ako sa kaakyat ng stage. Laging pinakamababa kong akyat, eh, dalawa, tatlo, kaya nakakatuwa,” say niya.
Sa personal life naman niya, ang tanging nasambit lang ng komedyante ay “okay naman po” at wala na siyang ibang sinabi pa.
Naka-move-on na ba siya?
“Oo naman, maning-mani lang sa akin ‘yun. Kaya okay naman po,” natatawa niyang sabi.
Matatandaang naghiwalay si Vice Ganda at ang basketball player niyang boyfriend this year and since then, wala pang napapabalitang bago niyang karelasyon ulit.