Hindi naiuwi ng ating Miss Philippines na si Yvethe Marie Santiago ang korona ng Miss Supranational na ginanap sa Poland noong nakaraang Biyernes, December 5.
Ang nagwagi ng naturang korona ay si Miss India Asha Bhat. Mga naging runners-up niya ay sina Miss Thailand Parapadsorn Disdramrong; Miss Gabons Maggaly Nguema; Miss USA Allyn Rose, and Miss Poland Katarzyna Krezeszowska.
Nakapasok naman sa Top 20 si Santiago at ang ilang kandidata mula sa bansang Argentina, Australia, Belarus, Canada, Chile, Romania, Sweden, Switzerland, at Trinidad & Tobago.
Kahit na isang special award ay wala ring nakuha si Santiago.
Marami ang umaasa na mapanalunan ulit ng Pilipinas ang Miss Supranational title na siyang napagwagian last year ni Mutya Johanna Datul.
Mabuti pa raw sa Miss Intercontinental ay naging second runner-up si Miss Philippines Kris Tiffany Janson at nakakuha pa ito ng dalawang special awards.
Ang Miss World naman ang susunod na tututukan ng marami at wish din na mauwi ulit ng Pilipinas ang naturang korona tulad nang ginawa ni Megan Young last year. Ang ating Miss Philippines doon ay si Valerie Weigmann.
Sa January 2015 pa matutuloy ang Miss Universe at si Mary Jean Lastimosa ang mag-represent ng ating bansa.
Lea hindi pa tapos ang galit sa audience ng The Voice
Hindi napigilan ng The Voice of the Philippines coach na si Lea Salonga na magalit ito sa isang audience member dahil sa pag-post nito ng mga tine-tape nilang advanced episodes para sa Battle Rounds ng naturang reality-singing competition.
Noong nakaraang Sabado pa lang kasi unang umere ang naturang episode kung saan malalaman ang mga winners ng Battle Rounds.
Pero ang audience member na ito ay inilagay na sa social media accounts niya ang mga nagaganap sa taping pa lang.
Hindi tuloy napigilan si Lea na mag-tweet ng hindi magagandang salita dahil sa kanyang frustration sa taong ito.
Kabilang nga sa mga tweets ni Lea noong nakaraang December 2 ay ang mga sumusunod:
“I am angry. Very, very, very angry. I am proposing that we no longer have audiences invited from outside ABS-CBN because of one a******.”
“Thanks a lot, ********, for ruining the experience for everyone else. You no good piece of ****.”
“If we don’t have a third season, it’s because we don’t deserve it.”
“I’d like to believe the Universe rights the wrongs that man commits. But as time wears on, my faith wears out.”
Nagpaliwanag naman si Lea sa naging outburst niya sa social media dahil gusto lang niyang maging exciting ang bawat episode ng The Voice of the Philippines at walang nakakasira rito.
“For me, it is less about those results and more about the artists on every team that pour their hearts out through their voices. That is the part that makes this journey such riveting television.
“So, regardless of what you know, watch (the show) to witness great artistry in the singers that have made it to those Battles and Knockouts.
“Watch them as they navigate through the competition rounds, root for your idols when they sing.
“And praise God that our country is blessed with an abundance of musical talent. No spoiler can take that away.
“So don’t deprive these artists of the attention they deserve. Their voices shall be heard!”
Mariah hirap na hirap nang kumanta
Muli na namang naging sentro ng kontrobersya ang diva na si Mariah Carey dahil sa hindi niya pagdalo sa kanyang scheduled pre-tape performance sa 82nd Annual Rockefeller Center Christmas Tree Lighting Ceremony.
Pinaghintay daw niya ang staff and crew at ang kanyang mga fans sa gitna ng malamig na panahon ng higit na tatlong oras pero hindi na siya dumating.
Pero bumawi ang diva sa pagdalo niya kinabukasan sa Christmas in Rockerfeller bilang opening act at umawit siya ng live ng Holiday hit niyang All I Want For Christmas is You.
Nag-apologize naman si Mariah via Twitter sa nangyaring kaguluhan.
“Last night’s situation was beyond my control. I apologize to all that showed up, you know that I would never want to disappoint you.
“You’ve kept me here, in your hearts, and I keep you in mine always. We are#lambily! #ThereForMe
“I will be opening tonight’s live show in Rockefeller center with All I Want For Christmas Is You!!!! Tune in at 8pm on NBC! #MC20”
Pero ang nangyari naman sa kanyang live performance ay hindi ikinatuwa ng audience dahil off-key nga ang pag-awit ni Mariah.
Kitang-kita nga raw sa mukha ni Mariah na hirap na hirap siya sa kanyang ear piece at pati na sa kanyang paghinga. Ilang beses ngang nawala sa tono ang diva.
Tinawag nga ng ilang manonood na “disappointing” at “disaster” ang live performance ni Mariah.