Bianca takot mahalikan

Matapos ang matagumpay na first team-up ng mga teen stars na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, sa inspirational drama series nilang Niño, alam nang sila ang susunod na igu-groom ng GMA Network para maging next important love team nila. Ano ang naramdaman nila sa bagong challenge sa kanila dahil may bago na silang romantic-comedy series na Once Upon a Kiss.

Very thankful daw sila kaya ngayong nagsimula na silang mag-taping under Bb. Joyce Bernal, ginagawa nila ang lahat para magampanan nang tama ang role na ibinigay sa kanila.  Bago ito sa kanila dahil from a special child sa Niño, isang rich boy, maangas, si Miguel.  Anak siya ni Mylene Dizon na ayaw na ayaw kay Bianca at sa ina nitong si Manilyn Reynes dahil mahihirap lamang sila. 

 “Kailangan ko pong pagbutihan ang pagganap ko dahil si Ms. Mylene ang nanay ko,” kuwento ni Miguel.  “Gusto po kasi niya, memorized mo talaga ang lines at huwag magkamali.”

At 14, Bianca is both sweet and sexy, a pretty young lady.  Kaya itinanggi agad ni Bianca ang chika na si Julian Trono raw ang boyfriend niya. 

 “Wala pa po sa isip ko makipag-boyfriend,” sagot ni Bianca.  “Focus po ako sa role ko sa Once Upon a Kiss dahil kung pa-sweet dati ang mga roles ko, rito palengkera ako at dapat lakasan ko ang boses ko dahil nagtitinda ako ng turon at banana cue kaya nire-rehearse ko ang boses ko sa pagsigaw-sigaw, ayaw ko pong mapahiya kay Direk Joyce.”

So, may kissing scene ba sila?  Hindi pa raw nila alam.  Si Miguel, mag-uusap daw muna sila ng manager niya si Direk Maryo J. Delos Reyes   Si Bianca, hindi pa raw siya ready at ayaw daw ng lola niya pero bahala na raw si Direk Joyce, susunod daw lamang siya kung ano ang gusto nitong gawin nila ni Miguel.

Ang Once Upon a Kiss ang isa sa 2015 first quarter offering ng GMA-7 na ipapalit sa Strawberry Lane na napapanood ngayon after ng More Than Words.

Elmo gustong sundan ang kanyang ate Maxene?

Napangiti na lamang si Elmo Magalona nang sa unang pagtungtong niya sa ABS-CBN, para sa presscon ng Cinemalaya entry niya last August, ang indie film na #Y (HashtagY), ay tinanong kung hindi ba siya lilipat din sa Kapamilya Network since nandoon na ang Ate Maxene (Magalona) niya.  Masaya siya sa Kapuso Network at bida sila ng girlfriend niyang si Janine Gutierrez sa romantic-comedy series nilang More Than Words.  Naroon nga lamang siya to promote their movie na iri-release ng Star Cinema simula sa December 10 at huling movie nang ipalalabas ng production bago ang Metro Manila Film Festival sa December 25.

 Ang movie ay tungkol sa Generation Y na first directorial job ni Gino Santos.  ­Sina Elmo, Kit Thompson, Colleen Garcia, and Sophie Albert ay rich college students na wild at carefree, pero feeling nila alie­nated sila kaya lagi silang depressed.  Sila iyong mga generation na influenced by today’s technology and social media.  Isa sa top grosser ang #Y sa nakaraang Cinemalaya na nang manood kami, punung-puno talaga ang Cultural Center of the Philippines (CCP) Main Theater ng mga Y ge­neration na naka-relate sa story.

Show comments