Swak ang tambalan nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay sa English Only, Please ng Quantum Films.
First time na magtambal ang dalawa at naging komportable naman sila kahit pa sa kissing scenes. Sinabi ni Jen na nu’ng una ay kinabahan at natatakot sa kapareha pero nawala ito dahil mabait at inalalayan ng aktor sa kanilang mga eksena.
Ano ang magagandang katangian na nadiskubre nila sa isa’t isa?
‘‘Nu’ng una kong ma-meet sa set si Derek akala ko ay masungit siya pero hindi pala. Masayahin siya kahit may pinagdaraanan nu’n. Pareho kaming mahilig kumain ng matatamis,’’ anang Jen.
Ayon naman sa aktor, very sweet si Jen kaya lagi nitong tinatanong kung may gusto siyang ipabili.
Nali-link din ang dalawa sa isa’t isa dahil pareho silang loveless.
Ayaw ma-pressure ni Derek kahit marami silang kalabang entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Maganda ang proyekto at script. Everybody put efforts para mapaganda ang pelikula ayon pa sa aktor.
Kabaligtaran naman ang nadarama ni Jen dahil napi-pressure siya. Ang English Only, Please ay sa direksyon ni Dan Louie Villegas.
Mag-ina magkaribal at magkasalo sa iisang lalaki!
Naiibang kuwento ang tatalakayin ngayong araw sa Love Hotline hosted by Jean Garcia kung saan ang tanong ng puso ay kung tatanggapin mo bang muli ang lalaking nananakit sa anak mo.
Hindi alam na mag-inang sina Sarah at Vanie Bataller na pareho pala silang umibig sa isang lalaki na si Joven Draza.
Ngayong Biyernes sa Love Hotline aamin na sina Sarah sa kanilang relasyon at lalantad si Joven bilang boyfriend ng mag-ina.