MANILA, Philippines – Kahit saang lupalop ng mundo ay makakikita ka ng mga Pinoy na may hawak na mikropono na humahataw sa pagkanta.
“Some of the best singers can be found in the Philippines,” tweet ni Ellen DeGeneres minsan.
Ang ating bansa ay ‘home to the most powerful voices covering a wide range of musical genres.’ Kaya pagsasama-samahin ang mga balladeer hanggang rock sa kanilang mga pambihirang performance. Dagdagan pa ng opera singers at folk singers sa kanilang powerful collaboration at tiyak na winner talaga ng magiging resulta.
Kaya binuo ang Palakasin ang OPM: The First 12-hour Festival para pagsamahin ang mga powerful performance ng ating mga singer.
Abangan ang pinakamalalakas na boses ng OPM sa isang unforgettable show! Hahataw sina Lolita Carbon at Davey Langit; Lara Maigue at Noel Cabangon; Ogie Alcasid, at Sandwich; Christian Bautista at Basti Artadi; at Gary Valenciano at Quest ngayong Sabado, December 6, 8:00 p.m. sa concert ng 12-hour festival sa Bonifacio High Street Amphitheater.
Don’t miss this once-in-a-lifetime musical event! Experience 12 hours of Original Pilipino Music only from Bactidol, the no.1 doctor-recommended throat solution, in partnership sa Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM), ang nangungunang organisasyon ng professional Filipino singers.
#PalakasinAngOPM ang opisyal na hashtag ng pinakamalaking music fest ng taon. Admission is absolutely free! Ang unang 200 katao ay magkakaroon ng access sa VIP Section.
Ang event na ito ay handog ng Bonifacio High Street Management, Max’s Restaurant, Ryu Ramen & Curry, NYXYS Philippines, Radio Republic, A-Team Inc., Tonedef and Eagle Broadcasting Corporation.
Sabay sabay nating #PalakasinAngOPM!