Na-realize ni Aljur Abrenica na mali ang kanyang desisyon na lisanin ang GMA-7 na nagbigay sa kanya ng magandang break.
Inamin nito na may mga tao sa kanyang paligid na siyang nagsulsol para lumisan sa kanyang network. Sinabi ni Aljur na inalis na niya ang mga taong nagsulsol sa kanya.
Dapat hindi nagpapadalus-dalos sa kanilang desisyon ang mga artista at isiping mabuti kung makabubuti ba o makasasama ang gagawin. Mahalaga ang utang na loob at nakakarma ang isang taong wala nito.
Ryzza Mae hindi pahirap sa direktor
Hangang-hanga si Vic Sotto nang mapanood ang rushes ng pelikulang My Big Bossing na entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
Saludo si Vic kay Ryzza Mae Dizon pagdating sa pag-arte at tamang emosyon na inilarawan sa tatlong episodes ng movie.
First time gumawa ng trilogy si Vic kung saan akala niya ay makatitipid siya pero hindi pala.
Sa kabilang banda, kahit si Direk Joyce Bernal ay hanga rin kay Aleng Maliit. Ayon dito, masarap itong katrabaho at madaling makakuha ng instruction.