^

Pang Movies

MMFF kulang sa ingay?!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Parang walang excitement na nararamdaman kahit papalapit na ang Metro Manila Film Festival (MMFF). Parang ordinaryong pelikula lang ang mga ipalalabas.

Malaking bagay ang pagsali ng pelikula ni Sen. Bong Revilla tuwing Kapaskuhan, matunog kasi ang anumang ginagawa niyang movie. Well, nakakahinayang at walang kalahok na pelikula si Sen. Bong Revilla this MMFF.

Speaking of Sen. Bong, binigyan sila ng parangal ni Mayor Alfred Romualdez ng Tacloban dahil sa pagtulong nilang mag-asawa ni Congresswoman Lani Mercado sa mga biktima ng bagyong Yolanda last year. At talaga namang marami silang natulungan na nasalanta ng bagyo, ah!

Sunshine dekada ang binilang bago nagka-award

Napaiyak si Sunshine Cruz noong bigyan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ng award para sa single performance sa Maalaala Mo Kaya (MMK) episode, na Karayom. Twenty years na raw siya sa showbiz pero ngayon lang na-recognize ang talent niya sa pag-arte. Sino raw ba ang hindi mapapaiyak sa ganitong situation?

Rey pinuri-puri sa batang hitsura

May kuwento si Rey Valera noong mag-show sila sa Australia kasama sina Hajji Alejandro, Rico Puno, at Marco Sison. Matagal-tagal din daw siyang hindi nakakita ng mga kababayang nasa-Australia at bawat bumati ay pinapansin ang kanyang hitsura.

Parang hindi raw kasi tumatanda ang hitsura nito. Komentong pabiro ni Rey, mukha na raw siyang matanda noon pa mang bata siya kaya’t walang pagbabago sa face niya. Mas appreciated din sa abroad ang mga da­ting singers kaysa mga baguhang hindi kilala. Mga matrona na kasi ang karaniwang nanonood sa kanila sa ibang bansa.                     

BONG REVILLA

CONGRESSWOMAN LANI MERCADO

HAJJI ALEJANDRO

MAALAALA MO KAYA

MARCO SISON

MAYOR ALFRED ROMUALDEZ

METRO MANILA FILM FESTIVAL

PHILIPPINE MOVIE PRESS CLUB

REY VALERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with