Kilig-kiligan nga ang isang young actress sa partner niyang guwapong young actor.
Pero kahit na magkatambal sila, dedma ang young actor sa young actress kaya naiimbiyerna ito tuwing nasa taping set sila.
May ibang pinopormahan kasi ang young actor kaya wala itong napapansin sa mga pahaging ng young actress. Nagkakausap lang daw sila kapag may eksena sila, pero kapag wala ay dedma to the world si young actor sa partner niya.
Lahat na nga raw ay ginawa ng young actress para mapansin siya ni young actor.
Ni-research nga nito ang mga favorites ni young actor at nagpapasalamat naman sa kanya ito, pero obvious na walang feeling sa kanya ang lalaki.
Lalong nadismaya ang young actress nang makarating sa kanya na sa iba na ipapares ang young actor—at ito ay ang isang young actress na type na type ni young actor!
Kaya ang mga efforts at gastos ni young actress ay nauwi sa wala dahil sa susunod na teleserye ay hindi na pala siya ang partner ni young actor.
Eugene ayaw tularan si AiAi, mas gustong bini-beybi
Happy si Eugene Domingo sa lovelife ng kanyang kaibigang si AiAi delas Alas.
Inamin ni Uge na na-shock ito sa pagkakaroon ng 20-year-old boyfriend ni AiAi. Pero alam niyang kaya itong dalhin ng kanyang kaibigan.
“Tayo naman ay laging masaya sa kung anuman ang pasukin na relasyon ni AiAi.
“Kung saan siya masaya, masaya rin ako bilang kaibigan niya.
“Nakakatuwa ngang makita si AiAi na laging happy, laging nakangiti. ‘Yung fresh na fresh ang aura.
“Para sa akin kasi, deserve niya ang maging masaya kaya pabayaan na natin sila,” ngiti pa ni Uge.
Hindi nga raw issue kay Uge kung 20 years old lang ang boyfriend ng kanyang kaibigan. Wala raw sa edad iyon sa panahon ngayon.
“Jusko naman, sa panahon ngayon hindi na nagma-matter ang edad.
“Tsaka nasa legal age na ‘yung lalaki, ‘di ba? Hindi naman na minor kaya okey na ‘yon.
“Maging open-minded na lang tayong lahat sa ganyan.
“Tawag ‘yan ng pag-ibig kaya let them be happy,” diin niya.
Mabilis ngang sinagot ni Uge ang tanong kung may possibility bang umibig siya sa lalaking mas bata sa kanya.
“Hindi ako mahilig sa bata, eh.
“Sa totoo lang, hindi talaga. Mas type ko ‘yung older sa akin.
“Gusto ko, ako ang bine-baby.
“Wala na akong powers na mag-alaga pa ng lalaking mas bata sa akin!” tawa pa ni Uge. Ngayong Pasko nga ay pinag-iisipan pa ni Uge kunsaang bansa siya magbabakasyon. Naging therapy na nga ni Uge ang mangibang bansa para makapagpahinga ito ng husto.
Before kasi, parating sa New York ako. This year, baka around Asia lang.
“Yung malapit lang kasi baka biglang mag-taping kami ng Celebrity Bluff, at least malapit lang ako.
“Gusto ko sa place na medyo mainit naman at sa lugar na walang masyadong nakakakilala sa akin.
“I need that time to rest, medidate, and recharge. At tuwing Christmas break ko lang magagawa ‘yan talaga,” pagtatapos pa ni Eugene Domingo.
Indie movie na bwaya nagustuhan at wagi ng award sa Japan
Nagwagi ang Pilipinas sa Tokyo Filmex Film Festival in Japan ng Best Film para sa pelikulang Bwaya (Crocodile) na idinirek ni Francis Xavier Pasion.
Tungkol sa mga naging kaganapan sa marshlands ng Agusan Del Sur ang Buwaya kung saan ang ikinuwento ay ang pagdadalamhati ng isang ina sa pagkawala ng kanyang anak na babae pagkatapos itong tangayin ng isang malaking buwaya.
“With its sincere humanity, Crocodiles invites us into a timeless universe where we explore the lives of these heartwarming people.
“The director’s instinctive observational skills offer us a spiritual journey, making us realize that there are still unique worlds to explore.
“The film’s strength lies in its honest and cohesive directorial style and the vivid expressiveness of its cast,” ayon pa sa citation ng jury na binubuo ng filmmaker na si Jia Zhang-ke, cinematographer Yanagijima Katsumi, museum programming producer Nakamura Yukiko, Taiwanese film critic Chang Yann at American film publicist Richard Lorman.
Nag-uwi ng premyong 700,000 yen (P265,000) ang producers ng Bwaya.
Noong nakaraang Cinemalaya ay nag-uwi ng apat na awards ang Bwaya sa New Breed Section ng naturang festival.
Nakilala si Francis Pasion dahil sa pelikula niyang Jay in 2008 kung saan bida sina Coco Martin at Baron Geisler.