Wow! Si Pop Star Sarah Geronimo pala talaga ang napili para i-interpret ang theme song of the highly popular na Princess. Sa teaser na ipinalabas sa Disney Channel, ipinaalam na ni Sarah na nai-record na niya ang sariling version ng awiting The Glow at ang music video ay magpi-premiere na sa December 6. Siyempre pa ay tuwang-tuwa ang mga fans ni Sarah worldwide na tinawag siyang The New Disney Princess at nag-trending ito worldwide at 9th place sa micro-blogging site na Twitter.
Mother Lily sinorpresa si Gov Vi
Mother Lily Monteverde admires Batangas Governor Vilma Santos-Recto so much kaya double celebration ang ginanap sa kanyang Valencia Homes sa Valencia, Quezon City last November 24.
Una, ang post-birthday celebration ni Ate Vi na noong birthday niya last November 3 ay may sakit kaya walang celebration at pangalawa ang pagsuporta niya sa Ala-Eh! Festival sa pagdiriwang nila ng 433rd anniversary of the founding of Batangas na gaganapin sa Heritage Town ng Taal, Batangas mula December 1 to 8. Humanga si Mother Lily kay Ate Vi na sa loob ng almost 18 years na niyang panunungkulan, una as Mayor of Lipa then Governor of Batangas ay hindi siya nabahiran ng anumang kontrobersiya.
Nasorpresa naman si Ate Vi sa post-birthday celebration niya dahil ang alam daw lamang niya ang tungkol sa Ala-Eh! Festival na pagdiriwang sa buong probinsiya ng Batangas. Kasamang nag-annouce ni Gov. Vi ng mga activities sa festival sina Taal Mayor Michael Montenegro, Batangas Vice Governor Mark Leviste, at Taal Vice Mayor Pong Mercado. Sa December 1, sama-sama sina Gov. Vi at lahat ng opisyales ng bawat bayan ng Batangas sa Fun Run at 5:00 a.m. at nangako si Mother Lily na sasama siya dahil isa na rin siyang Taaleño since doon niya itinayo ang Taal Imperial Resort Hotel. Mayroon din silang Trade Fair at Agri Fair na mabibili ang mga produkto nila mula sa paboritong pagkaing gawang Batangas, hanggang sa ipinagmamalaki nilang Barong Tagalog. May street party din sa gabi. Ang Mutya ng Taal beauty contest ay sa December 2 at coronation night sa December 5 na siguradong dadaluhan ng mga celebrities. Sa December 8, Mama Mary’s birthday, magkakaroon ng Holy Mass sa Basilica of St. Martin na susundan ng isang parade in colorful floats with street dancing.
Ang foremost sa kanya ngayon, balikan ang showbiz, kaya tinanggap niya ang movie for Star Cinema na intended for the Mother’s Day Celebration in May. Natanong siya kung bakit tumanggi ang anak niyang si Luis Manzano na makasama nila ni Angel Locsin sa movie. Ayaw daw ni Luis na magamit o ma-commercialized ang relasyon nila ni Angel. Baka raw kung magtambal sila, mapaglaruan pa sila, napaka-private daw kasi ng anak pagdating sa kanyang lovelife.