Para kay Batangas Governor Vilma Santos, good decision daw ang hindi na pagtakbo ni AiAi delas Alas sa Batangas sa darating na 2016 elections.
Matatandaang noon pa ay nagpahayag na si AiAi ng interes na pasukin ang pulitika at balak niya sanang tumakbo bilang Mayor sa isang bayan sa Batangas.
Pero nagbago na ang isip ngayon ng Comedy Queen dahil sa latest pronouncements nga niya, hindi na raw siya tatakbo.
“Kung ‘yun ang desisyon ni Ai, good. Don’t do anything na alam mong hindi mo kakayanin because ang pagserbisyo rito, totoong buhay ito. Wala itong take 2. So, tama kung ‘yun ang gusto niya,” say ng Star for All Seasons nang makatsikahan ng entertainment press para sa Ala Eh! Festival sa Batangas na magaganap ngayong unang linggo ng Disyembre (Dec. 1-8) sa Taal.
Ayon pa kay Ate Vi, ilang beses na rin daw silang nag-meeting ni AiAi at kung ano ang ipinapayo niya sa anak niyang si Luis Manzano, ‘yun din daw ang ipinayo niya sa Comedy Queen.
“Kung ano ‘yung sinabi ko sa inyo kay Lucky, na ‘pag wala sa puso at alam mong hindi ka pa (ready), huwag mong pilitin. So, hindi niya feel, and that’s a very good decision.
“‘Pag hindi mo kaya, huwag mong gawin, kasi hindi madali.”
Pagdating kay Luis, ani Vi ay hindi naman daw sa kanya ang desisyon kung papasukin ba nito ang pulitika o hindi.
“Na kay Lucky, kasi imagine, 18 years (sa politics), kinalakihan na rin ng anak ko ‘yung pagiging public servant ko, eh. So, may idea siya. Kasama ko nga siya sa Alay Lakad, ‘yung mga very meaningful or significant activities, so nakikita niya ang buhay ng tao sa totoo.
“But at the end of the day, it’s his decision, not mine. Kasi gusto ko, ‘pag pumasok siya, sigurado siya kasi hindi madali. Pero ‘pag hindi rin, we have to understand him. Kesa naman pipilitin natin siya pumasok and then, he won’t deliver,” say pa ni Ate Vi.
In a month or two ay magdedesisyon na rin daw si Luis kung papasok ba ito sa pulitika or hindi at ayon kay Gov., irerespeto niya anuman ang maging desisyon ng anak.
Boy Abunda Christmas wish na magkaayos na sina Kris at AiAi
Wish ni Boy Abunda for Kris Aquino and AiAi delas Alas na pareho niyang kaibigan ay peace, prosperity, and love ngayong Christmas.
Aminado naman ang TV host na siyempre, gusto rin niyang magkaayos ang dalawa na matagal-tagal na rin namang may tampuhan.
“Sino ba naman ang hindi magdarasal na sana ay magkaayus-ayos ang magkakaibigan? That’s one of my prayers,” pahayag ng King of Talk nang makausap ng ilang taga-media sa nakaraang 28th PMPC Star Awards for Television kung saan ay siya ang nanalong Best Public Affairs Program Host para sa kanyang show na The Bottomline na nanalo ring Best Public Affairs Program.
Samantala, bagama’t madalas tumanggap ng parangal si Kuya Boy sa PMPC Star Awards dahil matatandaang Hall of Famer na siya as Showbiz-Oriented Talk Show host, nae-excite pa rin daw siya na makatanggap ng award.
“Akala ko noon masasanay ako sa mga pagtanggap ng mga parangal. Hindi. It’s always like you’re getting it for the first time.
“So, sabi ko nga kanina sa aking speech, parang every time na nakakatanggap ka ng award na ganito, mas nagiging malakas. It strengthens your resolve to get better.
“Kasi, utang na loob mo sa sambayanan, ‘yung mga producers, sa network, sa iyong staff ang anumang performance na iyong ginagawa sa harap ng camera.
“So, we should be better. We don’t have an excuse not to be better. Tuwing pinapanood ko ang aking sarili at kini-critic, ‘ika nga, ‘yung aking performance sa iba’t ibang mga palabas, lalo na sa The Bottomline, there’s always a question that’s left unanswered. There’s always a question that you forgot to ask, a portion in the interview that you were not very attentive or you overthought.
“So, parang kapag nakakatanggap ka ng ganitong parangal, it humbles you. You remain a student and you keep on learning,” pahayag ng King of Talk.