Nagsimula na ang pinakabagong drama series ng ABS-CBN Primetime Bida, ang family drama story entitled Dream Dad na pinagbibidahan ni Zanjoe Marudo kasama ang newest child wonder na si Jana Agoncillo. Grabe ang kadaldalan ng batang ire! Hindi kaya pinalafang ito ng nanay niya ng keps ng baboy nu’ng baby pa siya? May kasabihan kasi na kapag pinakain ng keps ng baboy ang bata ay siguradong magiging madaldal ito. Ama ni Jana ang role ni Zanjoe sa bagong seryeng ito. Mahilig sa bata ang aktor na siguradong magiging mabuting ama ‘pag nagkaroon na sila ng anak ni Bea Alonzo.
Kasama rin sa cast si Maxene Magalona na dating Kapuso talent. Ito ang first project niya as a Kapamilya artist at masasabing pinakamalaki sa kanyang showbiz career. Kasama pa rin sa cast sina Gloria Diaz, Ariel Ureta, Katya Santos, Ketchup Eusebio, at Ana Feleo. Ito ay sa direksiyon ni Jeffrey Jeturian.
Kakaibang gathering ng senior actors waging-wagi!
First time sa local movie industry na magkaroon ng isang napakasayang showbiz gathering. No match ito sa mga pa-launching launching ng kung anu-anong mga commercial product, or pa-presscon ng mga dapat abangang movie, TV series, at concert. Matyagang nagtawag si Manay Ichu Maceda ng press people para sa Seniors Prom.
Grabe, ang saya-saya ng event! Present sina Gloria Romero, Divina Valencia, Dranreb, Boots Anson Roa w/ Atty. King Rodrigo, Connie Reyes, Pepito Reyes (na napagkamalan kong si Fred Montilla dahil ‘di ko alam na dead na pala si Fred), Direk Maneng Borlaza, Baby Navao, Cheng Muhlach, Alex Muhlach with son Niño Muhlach na dating child wonder ng movie industry kasama pa niya ang kanyang anak na si Alonzo na napakaguwapo, Lorie Mara, Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa, Mother Lily, Imelda Ilanan, Susan Roces, Elizabeth Ramsey, Pilita Corrales, Wing Dou (Nikki & Angie) Tony Ferrer na good looking pa rin, Luz Valdez, Dulce, Eva Eugenio, Carmen Pateña, Mildred Ortega-Templo, Producer June Torrejon, Mila del Sol na napakaganda pa rin sa kabila ng taglay na katandaan at naka-wheelchair na, Rez Cortez & wife, Caridad Sanchez, Harlene Bautista, Carmen Soriano, Gigi delas Alas, Ernie Garcia na hindi pa rin kumupas ang galing sa pagkanta, at Marita Zobel. Naku po, ang dami pang artista na nagpunta kaya lang, hindi ko na ma-recall ang mga name. Lahat sila magaganda pa rin at walang mukhang poorita ha, mukhang mayaman silang lahat.
Si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang siyang kumausap kay Manay Ichu para magkaroon ng ganitong kakaibang event para sa dating stars, writers, at fans na rin.