Piolo at Imelda first time tatanggap ng Gintong Palad
Magkakaloob uli sa ikalawang pagkakataon ang Movie Writers Welfare Foundation (MWWF) ng Gintong Palad Service Award na pinamumunuan ng inyong lingkod para sa celebrities na may ginintuang puso at nakatutulong sa kanyang kapwa. Ibinibigay din ito sa mga taong mula sa iba’t ibang sector ng lipunan na tumutulong tuwing may kalamidad sa bansa at may foundation na tuluy-tuloy ang pagtulong gaya ng Child Haus, Diabetes Foundation at iba pa.
Sa ikalawang pagkakataon ay tatanggap uli ng award ang mga sumusunod: Boots Anson Roa, Miguel Belmonte, at Wilson Tieng (Business); Cong. Alfred Vargas (Government); Arnold Clavio, Daniel Razon (Broadcasting); Ricky Reyes, Angel Locsin, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Jeorge ‘‘ER’’ Ejercito, at Robin Padilla (Entertainment).
First time naman na tatanggap sina Fr. Joey Faller (Religious Institution); Dr. James Dy (Hospital Management & Humanitarian Service); Sen. Tito Sotto, PAO Chief Persida Acosta, Mayor Herbert Bautista (Government); Vicky Morales, Mel Tiangco, Raffy, Erwin, at Ben Tulfo (Broadcasting); Imelda Papin, Piolo Pascual (Entertainment).
Ang Gintong Palad Public Service Awards Night ay itinataguyod ng MWWF sa pakikipagtulungan sa Rotary Club of Intramuros sa pamumuno ni Architect Aristeo Garcia. Ito’y pasisiglahin ng mga guest performers na sina Faith Cuneta at Miguel Castro at Filipino Pop Tenors hosted by John Lapus at sa direksyon ni Louie Ignacio.
Ito’y idaraos sa Sabado (Nobyembre 29) sa Ilustrado, Intramuros sa ganap na 6:30 ng gabi.
Nagpapasalamat kami sa lahat ng tumutulong sa aming foundation gaya ng mga Rotary presidents mula sa iba’t ibang lugar. Kay Mr. Wilson Tieng sa walang sawang pagtulong sa amin, kay Kuya Daniel Razon tuwing kami’y mayroong medical-dental services sa iba’t ibang lugar sa Kamaynilaan at karatig lalawigan at sa Celebrity Hour prodyuser na si Danny Atienza. Salamat po!
- Latest