Mukhang handa nang umibig ulit ang drama actress na ito na matagal nang walang lovelife.
Pagkatapos nga niyang iwan ang miserableng buhay niya sa piling ng isang walang kuwentang lalaki sa mahabang panahon, namumuhay na bilang isang single woman ulit ang drama actress at magagawa na niya ang gusto niya.
Kailan lang ay may nakakita ngang ka-date ang drama actress na isang lalaki na mas bata sa kanya. Ilang taon lang naman ang bata ng lalaki sa drama actress na naging produkto ng isang sexy reality show.
Nagkatrabaho pala sa isang series ang drama actress at ang kanyang boylet, pero iilang eksena lang daw silang nagkasama. Ang partner kasi ng kanyang boylet ay ang bida sa series na siyang gumanap na anak ni drama actress.
Inamin ni boylet na crush niya si drama actress noong hindi pa siya artista at napapanood pa lang niya sa TV. Ngayon nga ay parang natupad na ang pantasya niya.
Kitang-kita naman daw ang glow sa mukha ni drama actress. Masayang-masaya ito kasama ang boylet niya. Malayo sa malungkot na hitsura niya noong nagsasama pa sila ng kanyang dating karelasyon.
Mukhang nag-i-enjoy si drama actress sa bago niyang buhay. Ngayon lang kasi niya nalaman na may mga mas batang lalaki na hanggang ngayon ay pinagpapantasyahan siya kahit na puwede na siyang maging nanay ng mga ito.
Kandidata ng bansa nanghihingi ng tulong
Botohan sa Miss Supranational magsisimula na!
Sa Krynica-Zdroj, Poland magaganap ang Miss Supranational 2014 Beauty Pageant on December 5.
Makikipagtunggali ang ating Philippine representative na si Yvethe Marie Santiago sa higit na 78 candidates mula sa iba’t ibang bansa.
Alaga rin ng beauty queen maker na si Jonas Antonio Gaffud si Yvethe at tulad sa naranasan ni Mary Ann Bianca Guidotti sa Miss International 2014, malaking pressure itong pageant sa kanya dahil ang Pilipinas din ang nanalo last year sa Miss Supranational na si Mutya Johanna Datul.
Umaasa ang maraming beauty pageant aficionados na magkaroon ng back-to-back win ang Philippines. Bigo na tayo sa Miss International at sana ay mangyari ito sa Miss Supranational.
“I know I’m facing tough competition. But my passion to bring home the crown will fire me up for this fight and I’m excited to see what it will empower me to do come pageant time,” sey pa ni Yvethe.
Nagkaroon nga ng send-off party para kay Yvethe sa Balay, Araneta Center in Quezon City noong nakaraang November 11 para sa kanyang pakikipag-compete sa Miss Supranational in Poland.
Dumaan sa extensive training si Yvethe mula sa kanyang mentor na si Jonas at mula sa ibang mga beauty and social experts para maihanda siya sa Miss Supranational.
Panay din nga ang pakikipag-usap niya sa reigning Miss Supranational na si Mutya Johanna Datul para makakuha siya ng magagandang insights tungkol sa pageant at sa naging experience nito bago nito mapanalunan ang korona.
Aware nga si Yvethe na malaki ang expectation sa kanya ng maraming tao kaya ito ang ikinakakaba niya.
“I’m really happy that a lot of people believe in me and right now in my Supranational journey. And I hope that whatever happens they will always be there because they give me strength and they inspire me to do my best,” sey pa ng beauty queen and future certified public accountant.
Puwede ngang iboto si Yvethe Marie Santiago para sa special award na Miss Supranational Internet.
Ang mananalo nga raw sa special award na ito ay automatic na papasok sa Top 20 semi finalists.
Magsisimula na ang botohan sa November 21 at puntahan lang ang http://www.misssupranational.com/voting/ para iboto si Miss Philippines Yvethe Marie Santiago.