Nagkaroon pa ng bidding kontesero sa bikini contests pinag-aagawan ng mga bading sa showbiz para malawayan!

Pinag-aagawan ngayon ng mga makapangyarihang bading ang isang male talent na nagsawa na sa pagsali sa mga bikini contests at gusto na nitong mag-full time sa showbiz.

Dinala raw ito ng kanyang agent sa isang audition para sa isang indie film at pinagkaguluhan nga siya ng mga bading doon.

Nalingat nga lang daw ang agent nito ay kinuyog na ang male talent at kanya-kanya silang nagbigay ng calling cards nila.

May reputasyon kasi ang male talent na ito noong masipag pa itong sumali ng mga bikini contests sa kung saan-saang lupalop ng Pilipinas.

Kapag hindi raw ito nananalo ay nagpapa-take home ito sa kung sinong judge na type siya at susulitin niya ang ginastos niya sa pamasahe at paghanda sa contest.

Kasama naman kasi niya ang nagbubugaw sa kanya kaya maganda ang presyong nakukuha niya.

Kaya naman kalat na nga ang kanyang mga ginagawa noon at ngayon na gusto na niyang mag-showbiz, lalong maraming gusto siyang tikman dahil ‘yun naman ang gawain niya.

Pero dahil sa mag-aartista na nga si male talent, natural lang na itataas ng kanyang agent ang talent fee nito.

Kung dati ay masaya na si male talent sa halagang P5,000 hanggang P7,000. Ngayon ay doble o triple na dahil marami ngang interesadong lawayan siya.

Siyempre, magkakaroon ng bidding war ang mga bading. Kung sino ang may pinakamalaking offer, doon sasama ang male talent.

At least, bago pa malaspag ang male talent, makakaipon na siya ng mas malaki dahil sa mga bagong kliyente niya mula sa showbiz.

Aktor umamin Lovi enjoy sa balbas ni Rocco

Balbas-sarado ngayon si Rocco Nacino dahil sa kanyang character sa Hiram Na Alaala.

First time nga raw niyang magpatubo ng balbas at bigote na bumagay naman sa kanyang role bilang Otep na may pinagdaraanang mga trauma sa buhay.

Nakiliti na ba ang kanyang girlfriend na si Lovi Poe sa kanyang balbas at bigote?

“Oo naman!” sabay tawa ni Rocco. “Nagustuhan naman ni Lovi kasi nakadagdag daw sa character ko.”

Hindi makakasama si Rocco sa pagbakasyon ni Lovi sa Japan dahil nga sa sagaran na taping niya sa Hiram Na Alaala.

“Kasama ni Lovi ang mommy niya. Magandang pagkakataon sana iyon to bond with her mom. Pero hindi puwede dahil sunud-sunod ang mga big scenes namin for Hiram Na Alaala.”

Halos matumba nang mag-present ng award Johnny Depp lasing na lasing sa Hollywood Film Awards

Napasobra nga ang pag-inom ng Hollywood actor na si Johnny Depp sa nakaraang Hollywood Film Awards 2014 na halos hindi na siya makatayo ng tama sa entablado noong mag-present siya ng award.

Pati ang microphone stand sa harapan niya ay halos matumba dahil sa kakaibang kilos ni Depp sa stage.

Noong basahin na niya sa teleprompter ang pag-present niya ng award kay Shep Gordon para sa documentary na Supermensch: The Legend of Shep Gordon, hindi niya halos mabigkas ang mga babasahin niya sa sobrang kalasingan niya at hindi niya napigilan ang makapagmura.

Noong ma-realize nga ni Depp na live palang napapanood ang awards night, tinakpan nito ang bibig niya at sabay tumawa.

Imbes na ma-annoy ang director na si Mike Myers sa pagkakalat ni Depp, natawa na lang siya rito at sinabi pa niya na ang ginawang intro ni Depp ay “very rock n’ roll”.

Anyway, ang mga nagwagi sa Hollywood Film Awards ay sina Robert Duvall (best supporting actor: The Judge); Keira Knightley (best supporting actress: The Imitation Game); Julianne Moore (best actress: Still Alice); Benedict Cumberbatch (best actor: The Imitation Game); Gone Girl (best film); Morten Tyldum (best director: The Imitation Game); Shailene Woodley (breakout actress: The Fault In Our Stars); Eddie Redmayne (breakout actor: The Theory of Everything); Jack O’Connell (New Hollywood Star: Unbroken); Guardians of the Galaxy (Blockbuster Award); How To Train Your Dragon 2 (best animation); Foxcatcher (best ensemble); Michael Keaton (Career Achievement Award).

Show comments