Kasal nina Amy at Carlo tahimik!

Tahimik iyong naging kasal ni Amy Perez sa TV reporter na si Carlo Castillo. Sabi nga nila, it was just a formality dahil inaamin naman nilang matagal na silang on at nagsasama. Ang problema nga lang noon, ang annulment ng naunang kasal ni Amy. Ikinasal siya noon sa singer na si Brix Ferarris, na matagal na niyang hiniwalayan at wala na sa Pilipinas. Palagay nga namin hindi na natatandaan ng mga tao kung sino iyon ngayon eh.

Anyway it was a simple wedding. Hindi sila ginulo ng press. Nakita na lang ang istorya through their own social media posts. It was said dumating si Amy on her own, driving her own car. Nangyari iyan sa isang farm sa Antipolo, so without asking, palagay namin iyan ay isang Christian wedding. Walang paring Katoliko na nagkakasal sa labas, bawal na iyan. Kung judge naman, kailangan “in open court”.

Kung mga mayor, aywan namin, pero wala namang binanggit na ang mayor ang nagkasal sa kanila, so we can presume isang pastor iyan ng kung anumang protestant denomination. Ang rule lang naman diyan, kailangan kahit isa lang sa kanila, miyembro ng Iglesia ng nagkasal na pastor at valid iyon. Kung hindi sila member ng nasabing church at ikinasal sila ng isang pastor na ganoon, questionable iyon.

Isang magandang example iyong kasal ni James Yap kay Kris Aquino. Sa contract, maliwanag na nagdeklara sila na ang kanilang relihiyon ay Roman Catholic, pero ang nagkasal sa kanila ay isang pastor ng kung anong Iglesia na ni hindi nila personal na kilala. Invalid ang kanilang kasal from the start.

Minsan sinasabi nila, “ang talagang ministers naman ng kasal, iyong ikinakasal mismo dahil ­silang dalawa ang nagkakasundo”. Tama po iyan. Pero kailangang masiguro na ang nagkakasal naman sa kanilang ministro o pastor ay may jurisdiction sa kanilang pagkakasundo, ayon sa batas. Kaya hindi puwede iyong kasal sa kahit na sino lang.

Sex video nga usung-uso halikan nina Daniel at Kathryn hindi na isyu

Nag-deny na si Kathryn Bernardo. Sinabi ­niyang hindi sila naghahalikan ni Daniel Padilla sa picture na kumalat sa Internet kung ‘di hawak lamang siya noon sa pisngi, na isang natural na ngayong gesture kahit na sa mga magkakaibigan lang.

Minsan may mga tao namang malisyoso talaga. Makakita lamang ng mga ganoong picture, na wala namang nakikita talaga, iba na ang iniisip. Kung may ganoong pictures, wala bang kuha sa ibang anggulo na mas maliwanag? Wala bang kita ang mukha dahil ni hindi ka nga nakakasiguro na sila mismo ang nasa picture na iyon dahil tago ang mukha.

Inamin ni Kathryn na sila nga iyon. Kuha iyon sa abroad. Pero hindi sila naghahalikan. Kasi kung maghahalikan naman sila, bakit naman gagawin pa nila iyon sa makikita sila ng maraming tao at makukunan pa ng picture kung ayaw nilang lumabas iyon?

At saka big issue pa ba ang halikan ngayon? Sex videos nga kumakalat eh.

 

Show comments