Totoo kaya ang tsismis na hirap na hirap daw umarte ang isang sikat na aktor sa isang malaking teleseryeng ginagawa niya ngayon? Tsika sa amin ng isang source, kamakailan sa taping ay umabot daw sa take 34 ang scene na kinukunan sa aktor dahil hindi nito makuha-kuha ang tamang pag-arte.
Naloka ang lahat ng mga kasama niya sa taping at umabot na sa puntong kinausap siya ng isang beteranong aktor na kasama niya at ipinaliwanag sa kanya nang maigi ang kanyang role at eksenang gagawin.
Mabuti na lang daw at mabait din ang direktor dahil kung naiba-iba ‘yun ay baka tinanggal na ang aktor sa serye.
Tsika pa ng aming kausap, cause of delay ang aktor sa serye dahil nga hindi nito maiarte nang tama ang mga eksena.
Isa sa bida ang aktor sa serye at napakahuhusay ng mga kasama niya’t kung hindi niya talaga gagalingan, ilalampaso’t lalamunin siya nang buong-buo ng mga ito sa mga eksena.
Ang tanungan tuloy, bakit kasi ang aktor ang isinabak nila sa napakalaking proyektong ‘yun?
Empress bumalik na sa GMA 7
Kumpirmado nang nasa GMA-7 na ulit ngayon si Empress pagkatapos ng maraming taon ding pamamalagi niya sa ABS-CBN. May gagawin siyang bagong serye sa Kapuso, ang Kailan ba Tama ang Mali with Geoff Eigenmann, Max Collins, at Dion Ignacio.
Ayon sa manager ni Empress na si Becky Aguila ay wala namang naging problema sa paglipat ng young actress dahil nagpaalam sila nang maayos sa ABS-CBN at sa Star Magic at pinayagan naman sila.
Sa official statement na ipinadala ni Katrina Aguila na anak ni Tita Becky, sinabi niyang freelancer daw ngayon si Empress.
“Empress is a freelance artist. She is not tied down to any network. Her doors are open to any network that would have her.
What’s important is that by the end of the day she has work and is able to practice her craft, which she has been doing for more than a decade.
“Empress is excited to work with everyone in GMA. Her focus right now is to prove herself worthy as a certified actress and to distinguish herself from other artists in the industry.
“She has been working since she was six years old, it’s about time for growth and change both in reel and real life.
“We are very happy and optimistic that Kailan Ba Tama ang Mali would be the perfect venue for that,” ang nakasaad sa official statement ni Katrina.
It could be recalled na sa GMA-7 unang napanood si Empress when she was a child actress. Huli siyang napanood sa Kapuso noong 2005 sa seryeng Etheria at pagkatapos ay kinuha na siya ng ABS-CBN.
Huling serye ni Empress sa ABS-CBN ay ang Huwag Ka Lang Mawawala noong October, last year. Isang taon na rin siyang walang ginagawa sa Kapamilya network kaya naman sobrang excited siya ngayong may trabaho na naman siya.
Forevermore ang taas ng rating
Highest rating ever ng Forevermore na pinagbibidahan nina Enrique Gil at Liza Soberano ang episode last Tuesday night (Nov.11) na may hashtag na ForevermoreStepUp kung saan ay nakakuha ito ng 30.2% sa national ratings.
Hindi nakakapagtakang makakuha ng mataas na ratings ang episode dahil ipinakitang sumasayaw sina Enrique at Liza ng native dance ng Benguet.
Cute ang episode dahil nagsisimula nang ma-develop sina Liza and Xander at nakakakilig ang kanilang mga tinginan.