^

Pang Movies

Mel hindi interesadong pumasok sa pulitika

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Nakakwentuhan namin si Mel Tiangco kamakailan at pinapanood niya sa amin ang muling pagbangon ng Tacloban City kung saan naawa kami sa Yolanda victims na nakatira lang sa tent at nangungulila kahit isang taon na ang nakalipas.

Isa sa mga nainterbyu ang isang lalaking nawalan ng 22 mahal sa buhay na kinabibilangan ng kanyang asawa, mga anak, at mga apo. Naghihinanakit siya dahil wala daw silang tulong na natatanggap mula sa ating gobyerno.

Mabuti na lang at may Kapuso Foundation sa pamumuno ni Mel na kumalinga sa mga biktima ng Yolanda.

May Kapuso village na itinayo ang GMA at itu-turn-over na ang 100 pang tahanan sa isang taong anibersaryo ng bagyong Yolanda kung saan personal na nagpunta sa Tacloban si Mel. Nakapagpatayo na rin sila ng mga bagong eskuwelahan sa mga sinira din ng bagyong Yolanda.

Ayon kay Mel, tunay na serbisyo ang ibinibigay nila sa mga kapus-palad at sapat na ang kaligayahan naidudulot nito sa halip na salapi.

Si Mel ay tumanggap na ng award sa aming Soroptimist International nun sa kategoryang Women Helping Women at ngayon naman ay sa Gintong Palad Award Night ng MWWF at Rotary Club of Intramuros sa pamumuno ng inyong lingkod at ni Aristeo ‘‘Ayett’’ Garcia. Igagawad sa kanya ang Gintong Palad award for Public Service sa November 29, 2014 sa Ilustrado, Intramuros.

‘‘Handa ba siyang pumasok sa pulitika? Tanong namin.

‘‘Naku! Hindi ko yan pinangarap. Tama na sa akin ang maglingkod sa bayan na walang hinihintay na kapalit,’’ sagot ni Mel.

GINTONG PALAD

GINTONG PALAD AWARD NIGHT

KAPUSO FOUNDATION

MAY KAPUSO

MEL TIANGCO

PUBLIC SERVICE

ROTARY CLUB OF INTRAMUROS

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with