^

Pang Movies

Kahit ‘di hinarap ng mga coach, pagsabak ni Karla sa blind audition ng The Voice, eere

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Patuloy sa paghahanap ng artists para sa kani-kanilang team ang The Voice of the Philippines coaches na sina Apl de Ap, Sarah Geronimo, Bamboo, at Lea Salonga sa exciting na blind auditions na ngayo’y mapapanood nang muli tuwing Sabado at Linggo.

Ngayong weekend (Nov. 8 at 9), tutungtong sa The Voice  stage si Karla Estrada, ang ina ng Teen King na si Daniel Padilla, na gustong gumawa ng sarili niyang pangalan sa showbiz. Paano niya haharapin ang coaches? At ano ang nag-udyok sa kanyang mag-audition para subukang abutin ang kanyang matagal nang pangarap na maging singer?

Huwag ding palampasin ang performance ng mga anak ng isang macho gwapito na OPM singer at ang live na pagja-jamming nila on-stage. Bukod sa matinding pag-aagawan ng coaches para sa artists na gusto nilang makuha, may kulitan moments din sila kasama ang stand-up comedian na si Rufa Mi, isang artist na makakasayawan ang coaches sa isang Polynesian dance, at isa namang gwapong artist na haharanahin si coach Sarah.

Ngayong weekend, makikita sa The Voice of the Philippines na kahit may pangalan na o gumagawa pa lang ng pangalan sa showbiz ay ipinaglalabang maabot ang kanilang pangarap sa pamamagitan ng pagpaparinig ng kanilang galing sa pagkanta.

Kaya naman second chance ang pilit na aabutin ng isang miyembro ng girl group na A.K.A. Jam, isang dating grand finalist ng Pilipinas Got Talent, at ang vocalist ng isang kilalang rock band.

 

BUKOD

DANIEL PADILLA

KARLA ESTRADA

LEA SALONGA

NGAYONG

PILIPINAS GOT TALENT

RUFA MI

SARAH GERONIMO

TEEN KING

VOICE OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with