Tom gustong gayahin ang mga ginagawa ni Dennis

Naaliw kami sa ginawang Don’t Lose the Money ‘game show’ sa Unang Hirit na pinaglabanan ng dalawang team nina Connie Sison at Suzi Abrera.

Kahit naka-heels, ang gagaling ng mga taga-Unang Hirit team.

Ang DLTM ay napapanood sa GMA 7 araw-araw at si Tom Rodriguez ang host.

Samantala, inamin nga pala ni Tom na idolo niya among local actors si Dennis Trillo dahil magaan itong katrabaho, propesyonal, at mahal ang kanyang propesyon. Hanga rin ito sa pagi­ging generous ni Dennis at sinabing hindi ito madamot.

Ka-live in na inahas ng pinsan idinulog sa Love hotline…

Tiyak na may makaka-relate sa episode ngayong Biyernes sa Love Hotline kung saan pinamagatang ahas ba si Pinsan. Sasagutin ang katanungan kung dapat bang hiwalayan ang live-in partner mo na pumatol sa iyong pinsan. Nagkahinala si Jane na may kinalolokohang babae ang kanyang live-in partner pero nagulat ito nang malamang ang karelasyon pala ni Jeff ay ang kanyang pinsan na si Regine.

Maghaharap ang tatlo sa Love Hotline para ayusin ang problema sa tulong ni Jean Garcia at love expert na si Papa Dudut.

 

Show comments