Pagtulong nina Karla at Daniel sa Tacloban bibigyan ng parangal

MANILA, Philippines – Tubong Leyte pala ang dating aktor na si Carlo Maceda. Kaya pala sobra ang pag-aalala niya sa mga Yolanda victims na matapos ang isang taon ay marami pa rin ang nagdurusa sa kawalan ng bahay at mapagkakakitaan.

Hanggang ngayon ay marami raw kumukuwestiyon kung saan na napunta ang bilyung-bilyong kontribusyon mula sa iba’t ibang panig ng mundo para sa mga biktima ng Yolanda.  Mag-iisang taon na nga naman sa November 8 ang naturang sakuna. Kaya naisipan ni Carlo at ng kanyang Team na Haiyan Disaster Governance Initiative na mag-produce ng isang Thanksgiving concert upang pasalamatan ang mga unsung heroes ng Haiyan/Yolanda. Wala pa raw nagpapasalamat officially mula sa ating bansa sa mga tumulong sa nasabing trahedya.

Ito ay sa pamamagitan ng concert na Handumanan: Pasasalamat sa mga Bayani ng Haiyan na gaganapin sa November 7 ng gabi sa QC Memorial Circle.

Libreng concert ito na dadaluhan ng mga tubong Leyte na sina Karla Estrada, Kitchie Nadal, at iba’t ibang banda. Balitang dadalo din daw ang anak ni Karla na si Daniel Padilla na nung panahon ng kabataan niya ay nanirahan sa Tacloban.

Sa event na ito ay bibigyan ng recognition ang mga kagaya nina Anderson Cooper ng CNN, David Beckham, mag-inang Karla at Daniel at marami pang tumulong para maram­daman ng mga taga-Leyte ang tulong nung panahong pinadapa sila ng bagyo. Hinahanap pa ng grupo ni Carlo ang ilang nagpakita ng malasakit at pagtulong sa kanyang mga kababayan.

Bago may mga lumabas na bashers sa mag-ina (Karla at Daniel) kung bakit sila bibigyan ng parangal, sila ay mga tubong Tacloban at sobra ang effort na ginawa ng mag-ina para makatulong sa kanilang mga kababayan noong kasagsagan ng bagyo. Nag-concert pa silang mag-ina para sa Yolanda victims na dinaluhan ng lagpas 25,000. Natuloy daw ito kahit may mga humaharang na pulitiko. Naibsan nga naman ang depression ng mga biktima at napasaya nina Daniel at Karla.

Iya gustong maka-showdown si Christian

Buong-puso namang tinanggap ng Kapuso stars ang pagbabalik ni Iya Villania. Natutuwa si Iya na nakita niya ang ilang kasamahan niya noong nasa GMA pa siya.

Sobrang sexy ang dance number ni Iya sa SAS noong Linggo at balita namin ay magiging regular fixture na ito sa Sunday show ng GMA. Pagsayaw pala at pagkanta ang wish ni Iya. Wish din daw niyang maka-showdown sa isang dance number si Christian Bautista at sigurado daw talo niya ito pero talo naman siya sa pagkanta.

Bukod sa SAS ay iba pang shows ang lalabasan ni Iya at may balak din siyang bigyan ng teleserye.

Panibagong adjustment muli kay Iya ang gagalawan niya since maraming taon din siyang namalagi sa ABS-CBN bago siya nagbalik sa GMA.

Raymart abalang-abala sa kanyang negosyo

Malabo nang magkabalikan pa sina Raymart Santiago at Claudine Barretto. Ito ang pahayag ni Raymart sa isang interview. Wala na raw second chance siyang inaasahang mangyari after na hindi matupad ang visitation rights sa mga anak nila. Noon nga lang daw nakaburol ang kanyang ina ay tatlong gabi ang request niya ay hindi pa nasunod at isang gabi lang pinasipot ang mga bata.

Hindi naman mukhang problemado at ayos ang takbo ng buhay ni Raymart na bukod sa pag-aartista ay may mga negosyong pinagkakaabalahan. Bukod diyan ay abala rin siya sa taping ng bago niyang teleserye na Second Chances na pagsasamahan nila ni Jennylyn Mercado at malapit nang umere sa GMA 7.                                      

Show comments