Isang diamond set ng jewelry ang birthday gift ni Luis Manzano sa inang si Gov. Vilma Santos who turned 61 last Nov. 3.
“I got her a jewelry set. She put it on right away, the earrings. So, nakakatuwa lang talaga. In fact, she gave me the ring back kasi kailangang baguhin ‘yung sukat but kung baga, I’d like to think na nagustuhan niya talaga ang regalo ko,” say ni Luis nang makapanayam ng media sa premier night ng Moron 5.2 The Transformation last Monday na eksaktong birthday ni Ate Vi.
Nag-dinner lang daw sila noong Nov. 2 kung saan ay present ang malalapit sa kanyang ina.
“Nag-dinner kami, to be more precise, on the 2nd kasi nga, trabaho lahat ngayon. So, everyone close to my mom were there. Simple dinner lang.”
Kasama sa nasabing dinner of course ang girlfriend ni Luis na si Angel Locsin who we heard ay nagregalo naman ng signature bag sa Star for All Seasons.
Matatandaang kagagaling lang sa skin allergy ni Ate Vi at ayon kay Luis ay nagpapagaling na ang ina.
“She’s gonna be okay in no time. Siguro bad timing lang, very bad timing.
“In fact with what happened, she had to move around certain endorsements she was supposed to shoot, and alam ko they were supposed to do some things regarding the movie with Angel so nausog na naman ‘yon,” kwento pa ni Luis.
Katangahan nina Luis, Billy, Marvin, DJ, at Matteo sa pelikula parang normal lang
Still on the premiere night of Moron 5.2 held at SM Megamall, walang tigil ang mga tao sa katatawa habang pinapanood ang pelikulang idinirihe ni Wenn Deramas.
Bagay naman palang talaga kina Luis, Billy Crawford, Marvin Agustin, DJ Durano, at Matteo Guidicelli ang role na tanga dahil mukha talaga silang tanga sa pelikula lalo na ‘pag suot na nila ang kanilang superhero outfit. Para silang mga eng-eng na ewan.
Pero ang mas natawa kami ay ang mga batuhan ng dayalog sa movie ng limang bida na para lang silang nag-uusap nang wala sa camera. Hinahaluan kasi nila ito ng mga pangyayari sa kanilang totoong buhay.
Pinagtripan talaga sa punch line ang pagkakakulong ni Billy at hagalpakan talaga ang mga tao.
Si Matteo naman ay parating tinutukso ng mga kasamahan tungkol sa girlfriend na si Sarah Geronimo at sa pagiging bagong cast ng movie. Sinabihan siya ng apat na ‘pag hindi kumita ang pelikula, ibig sabihin ay siya ang malas dahil nag-hit daw ang part 1 kung saan ay wala pa nga ang aktor at si Martin Escudero pa ang kasama nila.
May mga eksena sa movie na kulang ang lima at wala si Billy. In one scene, ipinaliwanag nila na kasalukuyan daw itong nakakulong at mukhang totoo naman talaga na ‘yun nga ‘yung time na nasa presinto ang aktor.
Baliw-baliwan lang ang movie, as in, anything goes. Huwag kang mag-expect ng lalim-laliman or anything serious. In fact, parang hindi na nga umarte ang lima at natural na natural lang nilang ginawa ang mga eksena and for sure, ganito rin ang naging estilo ni Direk Wenn Deramas sa pagdidirek nito – effortless.
Pero ‘yun nga ang maganda sa movie. Effortless ang pagpapatawa pero nakakatawa.
Showing na ngayong Wednesday (Nov. 5) ang Moron 5.2 at kasama rin dito si John Lapus bilang baliw ding kontrabida ng lima.
Direk Wenn pinupuri-puri ng mga anak
Samantala, nagpasalamat naman kahapon si Direk Wenn sa kanyang Facebook account sa lahat ng mga nanood sa premiere night at sa pumuri sa movie.
Post ni Direk: “Kagabi, sa Premiere Night, walang patlang na halakhakan ang mga tao. Pagkatapos, sa party, walang katapusang Papuri, pa picture, mga Tanong na “Paano mo naiisip ung mga ganung Katatawanan at kalokohan?” Na puro ngiti at Salamat po! Ang isinusukli ko sa kanila...Pag uwi ko, after mag shower, at mag ready na matulog, nakatanggap ako ng “I’m sooo proud of you, I love u!”... kay Brave man! At Masarap na yakap naman habang natutulog sa panganay kong anak...Pagdating ng umaga, ang aking Bunso na 4 years old ay luminya naman ng ganito habang kinakain pa ang natira nyang popcorn kagabi, “Papa, Ang Galing mo!”
Bakit? Saan? tanong ko, “Sa pinanuod natin kagabi! Nakakatawa! Di ba ikaw nagdirek?” Ngumiti lang ako at sagot ko...Salamat!
Hay...Tatlong tao ang nakapagbigay sakin Hindi ng TAWA na madalas kong ibigay sa Tao kundi TUWA na hindi pwedeng bayaran ng kahit na magkano....”