Nabigyan ng magandang review si Anne Curtis sa kanyang pagganap bilang isang bampira sa kanyang kauna-unahang Hollywood independent film na Blood Ransom.
Ayon sa review ng horror fansite na DreadCentral.com, isinulat ng reviewer na si Matt Boiselle last October 25 that Blood Ransom is “a decent watch to those who like their vampire flicks gritty and paced with danger.
“The film gives vampire fans an adequate slice of cinematic blood sausage, without getting all of that Twilight residue stuck in your fangs.”
Singled out nga ang performance ni Anne dahil sa kanyang strong screen presence among the international actors na kasama nito na sina Alexander Dreymon, Caleb Hunt, Jamie Harris, and Filipino-American Darion Basco.
“Her gaze is hypnotizing,” pag-review pa ni Boiselle.
Ang website ng Dread Central ang laging pinupuntahan ng netizens kapag gusto nilang mabasa ang reviews ng mga upcoming horror films.
Nagsimula ito noong 2006 at nagse-specialize rin ang website sa mga horror new, interviews, comic books, novels, and toys.
Lumipad si Anne sa U.S. kamakailan para i-promote ang Blood Ransom noong magbukas ito last October 31 sa Los Angeles, New York, San Francisco, Chicago, Las Vegas, San Diego, New Jersey, Seattle, Hawaii, and Guam and several parts of Canada.
Nagbukas naman dito sa Pilipinas ang Blood Ransom last October 29. Mula ito sa direksyon ng Fil-Am director na si Francis dela Torre.
Pinakamaikling pelikula ni Direk Lav tungkol sa Yolanda namamayagpag sa international scene
Muling namamayagpag sa mga international film festivals ang bagong documentary film ni Lav Diaz na Mga Anak ng Unos (Storm Children Book One) na tungkol sa mga batang survivors ng Killer Typhoon Yolanda.
Ang Typhoon Yolanda ay isa sa strongest tropical cyclones ever recorded. Nag-iwan ito ng matinding sakuna sa probinsiya ng Tacloban at Samar, Leyte kung saan ito nag-landfall. Anim na libong tao ang namatay, 28,000 naman ang mga nasaktan at nawalan ng tirahan at kabuhayan at may isang libo pang nawawala.
Umabot nga sa higit na P89 billion ang halaga ng damages to properties.
Kinunan ni Direk Lav in black and white ang Mga Anak Ng Unos at nagkaroon na ito ng world premiere noong nakaraang September 23 sa non-competition section ng DMZ International Documentary Film Festival in South Korea.
Sa November 6 to 16 naman ay magku-compete ang naturang documentary sa Copenhagen International Documentary Film Festival (CPH: DOX) in Denmark.
Sa official website nga ng naturang festival, ito ang description nila sa Mga Anak ng Unos:
“A sublime, cinematic report from a devastating corner of reality.
“There has always been a strong impulse towards non-fiction in Diaz’s comprehensive oeuvre. But in the almost dialogue-free ‘Storm Children – Book One’, one of the most uncompromising of contemporary filmmakers has gone all in.
“The fact that his characteristic, cinematic signature – the long and hypnotic scenes held in patiently observing black and white images – is present in every composition and every instant, underlines the urgency of his vision and its importance in international cinema over the past decade.”
Ito na ang pinakamaigsing pelikula ni Direk Lav dahil tumakbo lang ito ng two hours and 23 minutes.
Sa November 4 nga ang Philippine premiere ng Mga Anak ng Unos sa Trinoma Cinema.
Isang fundraising event din ito ng DAKILA, ang Philippine Collective for Modern Heroism in partnership with the Embassy of Canada for the Climate Revolution campaign and the trust fund of the children featured in the film.
Lead actress ng Hunger Games, hiwalay na sa frontman ng bandang Coldplay
Umiinit pa lang ang romansa sa pagitan ng Oscar winner na si Jennifer Lawrence at ang Coldplay frontman Chris Martin nang biglang mabalitang hiwalay na sila.
Ayon sa Us Weekly magazine, tumagal lang ng apat na buwan ang relasyon nila Jennifer at Chris dahil na rin sa kumplikadong arrangement nila, lalo na pagdating sa kanilang trabaho.
Fantasy come true para kay Jennifer ang maging boyfriend ang estranged husband ni Gwyneth Paltrow na si Chris. Matagal na raw itong may school girl crush sa lead singer ng bandang Coldplay.
Huling nakita ang dalawa na magkasama sa backstage ng iHeartRadio Music Festival noong September. Nag-perform ang Coldplay sa naturang event at nag-surprise visit si Jennifer.
Naging busy na si Jennifer sa kanyang early promo para sa pelikulang The Hunger Games: Mockingjay Part 1. Dahil sa hindi magkatugmang schedules nila ni Chris kaya sila nagdesisyon nang maghiwalay.