Kitang-kita ang sama ng loob ni Ruffa Gutierrez sa kanyang inang si Annabelle Rama sa kanyang mga tweets last Sunday.
Nagkatampuhan pala ang mag-ina sa birthday family dinner ni tita Annabelle last Saturday kung saan ay nag-walk-out si Ruffa matapos diumanong maglitanya ang ina tungkol sa love life niya sa harap sa maraming tao.
Bale ba that time ay kasama raw ni Ruffa ang admirer niyang si Jordan Mouyal, ang lalaking kamukha ng kanyang ex husband na si Yilmas Bektas.
Kaya last Sunday, nagpalitan ng tweets ang mag-ina.
Sunud-sunod na tweets ni Ruffa:
“It doesn’t mean that just because you are a mother, you have the right to be BASTOS and embarrass your child in front of people! Excuse me...
“Not only in front of people but in front of family and friends at an intimate dinner party. I am a mother too! And I would never do that!!
“I walked out because you have crossed the line! You tried to be funny at my expense! Kung ikaw walang hiya, bigyan mo naman ng kahit konting hiya at respeto ang pamilya mo! What you did is not normal.”
Sa Twitter account naman ni tita Anabelle ay sunud-sunod din ang tweets niya nang araw na ‘yun. At matitindi rin ang kanyang mga pahayag.
“Akala mo sa pag-walkout mo sa birthday dinner ko last night, nasira ang gabi ko? Hindi!!! Tuloy pa rin ang saya.
“Hindi ako nakikialam sa buhay mo. As a mother, I have all the rights to give advice sa naliligaw na landas kong anak.
“Since day 1, ‘yan lagi nating pinag-aawayan, lovelife mo. Mahirap bang humanap ng guy na stable?
May degree, businessman, naghahanapbuhay?
“Hindi ka naman namin pinalaki ng Daddy mo at pinag-aral sa best schools para lang pumatol sa mga P.G.
“Wake up!!! It’s not too late yet. Sayang ang beauty mo at pagiging matalino mo. Waste of time ‘yang mga P.G. na ‘yan.
“Palagi mong sinasabi kung bakit ako pumatol sa Daddy mong gwapo. You always compare me to you.
“Daddy is handsome, hardworking and 10 years older than me at marunong maghanapbuhay.
“Gustung-gusto mo siyang manood every Sunday sa #ItTakesGutzToBeAGutierrez siya naman ang lagi kong pinariringgan. Okay lang ba sa kanya?
“Well, tell him to watch again tonight 9 p.m. (last Sunday night). Imposibleng hindi pa rin siya ma-discourage sa kabastusan ng nanay mo.”
Actually, sanay na kami sa away-bating relasyon ng mag-ina kaya parang hindi naman na bago sa amin ang senaryong ito. Ang bago lang ngayon, sa social media na sila nag-aaway at hindi na tulad ng dati na sa TV or print.
Si Tita Anabelle naman talaga, ever since ay concerned siya talaga sa love life ni Ruffa na normal lang naman sa isang ina. ‘Pag ayaw niya sa boyfriend ng anak, maririnig mo na siyang talak nang talak.
Si Ruffa naman eversince ang tipo na kapag in-love, ayaw nang pinakikialaman kaya hayun, nagka-clash silang mag-ina.
Pero pasasaan ba’t magkakaayos din ang mag-ina dahil mas grabe pa nga ‘yung mga dating away nila and yet, in the end ay lagi naman silang nagkakabati.