Hindi na dapat pag-isipan ng AFP kung idedemanda ng trespassing ang German fiancé ng transgender na si Jeffrey Laude.
Kung ako ang tatanungin, dapat sampahan ng kaso ng AFP ang unwanted alien na hindi ko babanggitin ang pangalan dahil baka matuwa pa siya.
Sa totoo lang, imbyerna ako kapag napapanood ko sa TV ang unwanted alien na uhaw sa publicity.
Maling-mali ang pagtalon ng unwanted alien sa bakod ng Camp Aguinaldo at lalong hindi tama ang pagtulak niya sa pobreng Pinoy na sundalo na nag-practice ng maximum tolerance.
Hindi sapat ang paghingi ng paumanhin ng unwanted alien sa AFP. Bad example siya sa ibang mga foreigner na bumibisita sa ating bansa. Dapat sampahan ng kaso ang showbiz na showbiz na unwanted alien para hindi siya pamarisan ng ibang dayuhan.
Dumating sa Pilipinas ang boyfriend ni Laude para makiramay at magluksa sa pagkamatay ng kanyang fiancée.
Bago pa siya nakarating sa bansa natin, naglabas ng statement ang unwanted alien. Binira-bira niya ang ating pamahalaan at bayan kaya irritable ako sa kanya.
Kiyeme-kiyeme na nagluluksa ang unwanted alien pero nag-join siya sa senate hearing noong Miyerkules at nakigulo sa Camp Aguinaldo.
Kung hindi matakaw sa publicity ang unwanted alien, hindi siya aalis sa burol at tabi ng bangkay ng kanyang fiancée pero dahil sugapa sa atensyon, panay ang drama niya sa harap ng mga nakatutok na TV camera.
Masuwerte ang mapapel na unwanted alien dahil walang mga aso sa AFP compound. Wish ko nga, may mga aso sa AFP compound para naranasan ng unwanted alien ang nangyari sa tao na tumalon sa bakod ng White House noong Miyerkules.
Hindi nagtagumpay ang nagtangka na pasukin ang White House dahil dinamba siya ng mga nakabantay na aso. Ganoon ang mga nararapat na maranasan ng mga unwanted alien para malaman nila kung saan sila dapat lulugar.
O ‘di ba, talagang pinag-aksayahan ko ng panahon at espasyo ang maepal na German dahil karumal-dumal ang mga drama niya?
Pagnanakaw at pagpatay sa nanayni Cherry Pie sarado na
Sarado na ang kaso ng pagnanakaw at pagpatay ni Michael Flores sa nanay ni Cherry Pie Picache dahil guilty ang plead niya kahapon.
Inusig si Flores ng kanyang konsyensa kaya inamin niya ang kasalanan at kasamaan na ginawa.
Robbery with homicide ang kaso na isinampa kay Flores sa Quezon City Regional Trial Court.
Idinemanda rin siya sa Sta. Rosa, Laguna ng isang Lilibeth Lato dahil pumasok at nanirahan siya ng walang pahintulot sa bahay ng complainant. Trespassing ang kaso na isinampa ni Lato laban sa killer ng nanay ni Cherry Pie.
Ellen Adarna hindi nagrereklamo kahit kumalat ang mga hubad na litrato
Liberated woman ang drama kahapon ni Ellen Adarna nang i-launch siya bilang 2015 Calendar Girl ng Ginebra San Miguel. Gusto ni Ellen na magkaroon muna ng anak at hindi siya naniniwala sa kasal.
Hindi na raw maghahabol o magrereklamo si Ellen laban sa nag-leak ng kanyang nude pictures dahil wala siyang hawak na kontrata. Magiging maingat na raw siya sa susunod.
Mabentang-mabenta sa mga reporter ang mga pralala ni Ellen na hindi na bago sa pandinig ko dahil ganoon din ang mga drama ng mga sexy star noon na hindi na niya naabutan.
Alfred bakasyon muna sa Europe
Good health at successful career sa pulitika at showbiz ang mga birthday wish ko para kay Quezon City District 5 House Representative Alfred Vargas.
Ngayon ang actual birthday ni Alfred at ipagdiriwang niya ang kaarawan sa piling ng kanyang pamilya.
Kung tama ang intindi ko, bukas siya aalis papunta sa Europe dahil sa mga importanteng bagay na aasikasuhin niya.
Sa November na ang balik ni Alfred sa Pilipinas kaya next month pa kami magkikita para sa birthday treat niya.
Male singer parang ginto ang TF, P120,000 per song
Tumaas naman ang kilay ko sa kuwento na P120,000 per song ang singil ng isang male singer. Akala ko nga, nagkamali ako ng dinig pero malinaw ang kuwento ng source ko na P120,000 pero song at hindi per show ang talent fee ng mang-aawit na hindi naman superstar ang category sa local music industry.
Masyadong ginto ang talent fee ng male singer dahil sa panahon ngayon, bihira o wala nang gagastos ng ganoong halaga para sa isang kanta lang.
Hindi naman siya Ogie Alcasid o Martin Nievera na may karapatan na mag-demand ng mataas na talent fee dahil marami na silang napatunayan at higit sa lahat, marunong makisama.