John gustung-gustong ‘patayin’ nina Mother Lily at Roselle
Bongga si John Lapus dahil kasali siya sa lahat ng episode ng Shake Rattle & Roll XV ng Regal Entertainment na ipalalabas sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
Natuwa si John sa mag-inang Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde dahil isinama siya sa tatlong episode ng horror film ng Regal.
Pero birong-litanya niya sa isang interview na akala raw niya ay seryosong gusto siya ng mag-ina, ‘yun pala paborito raw siyang takutin at “patayin” nina Mother Lilly at Roselle sa mga episode ng Shake Rattle & Roll. Thankful naman si John sa kanyang mga role at okay lang daw sa kanya kahit patayin siya dahil at least mahaba ang exposure niya sa movie ng Regal ngayong darating na MMFF.
Kalahati ng Moymoy Palaboy may sariling banda na
Ipinagmamalaki ni Rodfil Obeso ng tandem na Moymoy Palaboy, na seryoso raw sila sa nabuong banda mula sa grupo ng Bubble Gang kasama sina Boy 2 Quizon, Antonio Aquintaña, at RJ Padilla na tinawag nilang Pard.
Nakabuo agad sila ng single na may title na Que Que, na pati music video ay natapos na ng tropa. Dumayo pa sila sa Baguio para kunan ang eksena. Pumayag maging Que Que girl si Gwen Zamora na kasama rin nila sa Bubble Gang. Ipinarinig nila kay Gwen ang kantang Que Que, natawa naman daw ang seksing aktres at umoo agad na kunan ang music video nila.
Bukas Friday, sa pagdiriwang ng 19th anniversary ng Bubble Gang ipakikita ang obra ng grupong Pard, ang single nilang Que Que.
Gumana raw ang pagiging producer ni Boy 2. Lahat sila ay may contribution sa pagbuo ng banda, pati na sina Antonio at RJ sa production at budgeting. Naimpluwensiyahan daw sila ni Michael V na kasama nila sa Bitoy’s Boys. Masaya raw sila sa grupo dahil kilala na nila ang isa’t isa at solid na raw ang samahan. Kung may bad trip ay nasasabi agad nila ang mali kaya naaayos agad ang gusot ng grupo.
Thankful si Rodfil dahil three years na siyang script writer ng Bubble Gang. Marami na siyang natutunan sa pagsusulat ng comedy na lalo pa raw nai-enhance kapag dinaragdagan ni Bitoy ang kanyang ideya. Hindi lang daw barkada ang turing niya kay Bitoy, kundi mentor niya sa pagsusulat at pag-akting. Wish ni Rod na makasama rin siya sa mga indie movie. Biro pa nito na kahit daw bold films ay tatanggapin niya para lang maka-experience siya na makaarte sa art film.
Tuloy pa rin ang banda nila ng kapatid niyang si James Ronald na tinawag nilang Moymoy Gang na may regular gig sa Cowboy Grill sa may Delta at Carlitos Bar sa Montalban, Rizal. Bale ba 6 years na silang kasama sa Bubble Gang at malaki ang pasasalamat ng dalawa dahil may regular silang trabaho sa GMA-7. Blessing sa magkapatid ang trabaho sa Kapuso Network na tulad ni Rod ay three years na lang at matatapos nang bayaran ang bahay na hinuhulugan nito. Si James naman, bukod sa sarili nitong bahay at sasakyan ay may negosyo rin ito na barber shop na tinawag niyang Flipp Cut sa may E. Rodriguez cor. Tuazon. Tuloy pa rin ang pagbuo nila ng mga music video pero mga bago at original concept na dahil mahigpit na raw ngayon ang copyright sa YouTube.
- Latest