We’re sure, very proud si Robin Padilla sa anak na si Kylie Padilla na umani ng magagandang comments sa mahusay na pagganap niya sa horror movie na Dilim. Sinuportahan ni Robin, kasama ang wife niyang si Mariel Rodriguez-Padilla, brother na si Rommel Padilla at niece na si Bela Padilla ang premiere showing ng movie na dinirek ni Jose Javier Reyes for Regal Entertainment, Inc. sa Trinoma Cinema 7 last Monday evening. Dapat ay kagabi ang premiere night pero nakiusap si Robin na ilipat ng Monday para mapanood niya si Kylie. Sinuportahan din ni Alden Richards ang katambal niya sa Ilustrado bayaniserye ng GMA-7. Nagkataon namang wala ang leading man ni Kylie na si Rayver Cruz dahil may show ang actor sa Australia nang araw na iyon. Naroon din ang ibang cast ng movie, sina Rafael Rosell, Joross Gamboa, Ella Cruz, Ynna Asistio, Natalie Hart, at sumuporta rin si Mike Tan kay Kylie. Naroon din si Mother Lily Monteverde, Roselle Monteverde, at Direk Manny Valera.
Sa matatakuting manood ng horror movies, kakayanin ninyo ito, dahil sabi nga ni Direk Joey, hindi naman kailangang manakot, kailangan lamang manggulat para ipakita at malaman ang totoong nangyari sa story. Bale birthday presentation ito ni Direk Joey who turns 60 yesterday, October 21. Showing na ito nationwide simula ngayong araw, Oct. 22.
Jonalyn hinangaan sa operatic aria
Maraming bumilib at humanga kay Jonalyn Viray nang mapanood siyang mag-perform sa katatapos na Miss World-Philippines. Sa halip kasi na kantahin niya ang classical Tagalog songs na Bituing Marikit at Dahil Sa Iyo, idinaan niya ito sa pag-hum ng songs. Inamin niyang mahirap iyon dahil dapat kabisado mo ang song dahil kung hindi, papalpak ka. Ginawa ito ni Jonalyn habang rumarampa sa kanilang evening gowns ang candidates, ipinakiusap daw lamang niya kay Direk Louie Ignacio na huwag hayaan silang rumampa sa harap niya para hindi siya ma-distract.
Hindi pala first time iyon ginawa ni Jonalyn, ganito rin ang ipinagawa sa kanya ni Direk Louie sa theme song ng Asintado sa gala premiere ng indie film sa Cinemalaya X.
Operatic aria of classical music daw ang tawag doon na itinuro sa kanya ng voice coach niyang si Suzie Reyes at noong pocket presscon ni Jonalyn para sa Fearless: The Repeat concert niya, ipinaulit iyon sa kanya ng mga entertainment press at humanga sila sa pag-hum ni Jonalyn na pumuno sa executive lounge ng GMA Network.
Sa Music Museum pa rin ang repeat ng concert sa November 14, 8:00 p.m. with new set of guests, sina Thor, Jaya, at Tom Rodriguez. For tickets, contact Ticketworld at 891-9999 o sa Music Museum 721-0635.