^

Pang Movies

Bauang Baggak Choir nagpakita ng husay sa South Korea

Pang-masa

MANILA, Philippines - Isa sa ipinagmamalaki ng Bauang, La Union ang Bauang Baggak Choir, na naimbitahan sa South Korea para sa 32nd Taebaek City National Choir Competition kung saan nilahukan ng 30 chorale group noong Agosto 22-23, 2014.

Ang Siyudad ng Taebaek, lalawigan ng Gangwon, South Korea na pinangunahan ni Mayor Kim Yeon-Sik, Deputy Mayor Yoon Seok-Gyu at ng iba pang mga opisyal ay masayang tinatanggap ang Bauang Baggak Choir at ang delegasyon mula sa Bauang.

Bago ang imbitasyon ng City Government ng Taebaek, ang Gangwon Teachers Choir ng South Korea ay nagkaroon ng Concert sa Pilipinas noong Enero taong kasalukuyan at isa sa pinuntahan nila ay ang bayan ng Bauang. At noong Pebrero 6, ang Deputy Mayor ng Taebaek City kasama ang ilan sa kanilang mga opisyal ay bumisita rin sa Bauang.

Dahil sa natatanging talento ng Bauang Baggak Choir nung pumunta ang mga Koreano sa bansa, inimbitahan ang grupo sa Taebaek City, South Korea. All expenses paid ang nasabing choir at nag- intermission sa National Choir Competition. Ang grupo ay kumanta ng mga sikat na Korean folk song tulad ng Arirang, Doraji, Se Yah (Blue Bird), Spanish song na Eres Tu (Ikaw), Latin na kanta ang Exultate at mga ipinagmamalaking Filipino folk songs kagaya ng Kalesa, Paru-paro, Pandanguhan at iba pang kanta.

Ang Bauang Baggak Choir ay binubuo ng mga municipal employees ng Bauang na pinangungunahan ni Mrs. Leah Dumuk-Bontogon, a renowned conductor, Regie Bontogon kasama ang accompanist na si Molinder B. Cadiz. Simula noong itinatag noong 2005, sila ay madalas ma-invite sa various national, religious, local events, at ng Bauang Overseas Workers Association (BOWA-HK) sa Hong Kong. Bukod sa pagkanta ay aktibo rin ang choir sa parokya at community activities.

Kasama ng Bauang Baggak Choir sa pagpunta sa South Korea ang butihing Mayor na si Martin P. de Guzman, Bauang Tourism Council Vice - Chairman Peter Paul Nang, Budget Officer Elpidio Ordoño, at Municipal Consultant Crisanto Palabay.

vuukle comment

ANG BAUANG BAGGAK CHOIR

ANG SIYUDAD

BAUANG

BAUANG BAGGAK CHOIR

BAUANG OVERSEAS WORKERS ASSOCIATION

BAUANG TOURISM COUNCIL VICE

BLUE BIRD

CHOIR

SOUTH KOREA

TAEBAEK CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with