Daniel hindi magkandaugaga sa rami ng trabaho

Dahil nga sa malaking pagbabago sa career ng Brazilian-Japanese hunk na si Daniel Matsunaga pagkatapos niyang matanghal bilang big winner sa Pinoy Big Brother All In, naging sunud-sunod na ang mga trabaho niya at tila wala na siyang time para sa kanyang usual na exercise at recreational activities.

Pero diyan nga raw nagkakamali ang lahat dahil kahit na sobrang busy si Daniel sa kanyang tapings, shootings, at photo shoots, hindi pa rin daw niya ipinagpapalit ang kanyang daily workout dahil ito ang nagpapagana sa kanyang buong katawan.

“I don’t have to sacrifice what I have been doing for years. I must keep fit all the time.

“I know that a lot has changed with my career after PBB. All these work are coming and it’s overwhelming.

“But I have to balance everything. Balance my work, play, rest and other activities.

“I don’t have to give up anything. I just have to know how to handle everything,” ngiti pa niya.

Kaya nga perfect na endorser si Daniel ng bagong product na San Marino Tuna Flakes dahil sa healthy and active lifestyle niya ngayon bilang model, artista at sportsman.

“Tama lang ito kasi I am always working now. I need added energy and San Marino Tuna Flakes gives me that.”

Sa latest campaign nga ng San Marino na #WhatsNewWhatsNext, si Daniel ang kanilang prime endorser at agree lahat na tamang-tama siya sa healthy image ng produkto.

Kasalukuyan ngang tinatapos ni Daniel ang pelikulang Shake, Rattle & Roll XV for Regal Entertainment at isa nga ito sa official entries ng 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Alden miss na miss na ng ama

Sobrang touched nga si Alden Richards sa mga post ng kanyang amang si Richard Faulkerson, Sr. sa Facebook na nami-miss na siya nito.

May post kasi ang daddy ni Alden na isang linggo na raw itong hindi umuwi sa bahay nila sa Laguna dahil sa magkakasunod na mga trabaho nito. Nami-miss na raw niya ang kanyang malambing na anak.

Bukod kasi sa tinatapos ni Alden ang taping ng Bayani Serye na Ilustrado, may taping din siya ng Bet ng Bayan at shooting ng Cain At Abel.

Sa sasakyan na nga lang daw nakakatulog si Alden at minsan ay sa set na ng taping niya.

Inamin nga niya na nami-miss na niya ang kanyang ama at pati na ang kanyang mga kapatid na nakakausap lang niya via Skype.

“Para tuloy akong nasa ibang bansa. Nandito lang ako sa Pilipinas pero parang ang layo-layo ko sa pamilya ko,” emote pa ni Alden.

“Pero ito ang sakripisyo na sinasabi ni daddy sa akin. Ito ang kapalit ng magagandang nangyayari sa akin ngayon.

 “Tulad ngayon, tapos na kami sa shoot ng Ilustrado at tinatapos na rin namin ang Cain at Abel. Bet ng Bayan na lang ang matitira sa calendar ko. Doon na siguro kami makaka-spend ng maraming time ng pamilya ko.”

Hindi nga mapagkakailang si Alden ang ‘golden boy’ ng Kapuso Network ngayon dahil sa malalaking mga project na binibigay sa kanya.

 “Lagi ko lang inaalala ang mga pangaral sa akin ng daddy at mommy ko.

“Isang sikreto sa magandang buhay ay ang maayos na pakikitungo mo sa mga kasama mo sa trabaho. Kung maganda ang pinapakita mo, maganda rin ang balik sa ‘yo.

“Tsaka panay ang dasal ko na maging maayos ang trabaho natin. Hindi ko naman magagawa ito kung walang guidance ni Lord,” pagtatapos pa ni Alden Richards.

Show comments