Bakit kaya tuloy ang bulung-bulungan na papasok sa pulitika si Dingdong Dantes. Si Dong ay kasalukuyang chairman ng National Youth Commission at tumutulong ’di lang sa mga kabataan kundi gayundin sa mga kapus-palad.
Sakaling pumasok sa pulitika, malaki ang tsansa ng aktor na manalo dahil noon pa man ay kinukumbinse na ito ng mga pulitiko laluna sa dating konsehal na si Ariel Inton na naniniwala sa kanyang kakayahan. Kayang-kaya na ni Dingdong ang maging pulitiko kaya sana ituloy na nito ang kandidatura kahit konsehal man lang sa darating na eleksyon.
Action films bubuhayin ng baguhang lady produ
Hanga kami sa prodyuser na si Baby Go ng BG Productions International dahil ibabalik nito ang paggawa ng action movie at uunahin niya ang Tupang Ligaw. Ang Tupang Ligaw ay ‘pro gun’ ang tema. Isa itong advocacy ng iresponsableng paggamit ng baril na may lisensiya.
Araw-araw ay nakakaalarma ang mga balita sa bansa gaya ng kidnapping, rape case at pagnanakaw. Bilang proteksyon, mahalaga ang wastong paggamit ng baril na ipinaliwanag ng isa sa mga artista na si Mario Marcos na gaganap sa karakter na Philippine Marine na isang pro-gun advocate.
Tampok rin sa pelikula sina Emilio Garcia at Charee Pineda sa direksyon ni Rod Santiago sa unang pagdidirek nito sa pelikula.
Joyce Ching, nahahasa na sa pag-arte
Hasa na sa pag-arte si Joyce Ching. Kaya naman easy-easy na lang ang acting niya sa bagong seryeng Strawberry Lane. Magaling nitong nailalarawan ang karakter bilang nawawalang anak ni Sunshine Dizon.
Magkikita na sana ang mag-ina pero nangyari naman ang isang trahedya kaya kaabang-abang ang mga pangyayari sa palabas.