^

Pang Movies

Nag-falsetto at lumuhud-luhod pa ang isa Dalawang magaling na singer, masakit sa tenga nang masintunado

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Kahit pala mahuhusay na singer, masakit pa rin sa tengang pakinggan kung naa-out of tune sila sa pagkanta. Nagkatawanan na lamang ang mga nakinig sa dalawang singer na guest sa isang malaking event kamakailan. Ewan kung mali ang pagsisimula nila ng pagkanta kaya middle of the song pa lamang, out-of-tune na iyong isa, hanggang sa para maabot ang high note ng song, nag-falsetto na lamang siya. Iyong isang singer naman, para maabot ang kanta, halos lumuhod na siya sa pagbirit niya, o dahil inuuna niyang inisin ang isa pang singer na kasama nila kaya na-out of tune siya. Sayang, ang ganda pa naman sana ng kantahan ng limang mahuhusay na singers, pero pumalpak nga ang dalawang singer na tinutukoy namin.

Kris inalalayan ni Dennis sa kama

Ipakikita na iyong first love scene na ginawa ni Kris Bernal in her entire showbiz career sa Hiram na Alaala. Nagsisimula pa lamang silang mag-taping ng drama series kinunan na ito ni Direk Domi­nic Zapata para nga raw maging comfortable na agad sa isa’t isa sina Dennis Trillo at Kris. Hindi naman ikinaila ni Kris, na na-pressure siya nang sabihin ng director na iyon agad ang kukunang eksena sa kanila. Hindi rin naman ikinaila ni Kris na talagang first taping day pa lamang nila ni Dennis, ninerbyos na siya.

“Nagpasalamat naman ako kay Dennis dahil inalalayan niya ako sa mga eksenang iyon. Napakahusay niya talagang actor at naging comfortable ako sa kahit ilang ulit ang eksena na kinunan sa iba-iba angle.” Mapapanood na ang eksenang ito mamayang gabi, pagkatapos ng My Destiny.

Mga kotse rin ang ‘babae’ ngayon Jomari magtatayo ng car racing shool

Nagpasalamat si Jomari Yllana sa GMA-7 na kahit extended ang ginagawa niyang afternoon prime series na The Half-Sisters, pinayagan siyang mag-compete sa super race na 2014 Super Race ECSTA 729 Accent One Championship na ginanap sa Korea International Circuit in South Korea this week. Bumalik muli ang hilig ni Jom na sumali sa car racing na matagal-tagal din siyang nagpahinga. Pumasok si Jom sa 7th position sa qualifying round at sa mismong karera, umabot siya sa ika-anim na puwesto.  Ini-offer niya ang panalo niya sa mga Pilipino dahil bitbit niya ang karangalang ito para sa bansa.

“Isa tayo sa pinakamahuhusay na car racer dahil disiplinado tayo at determinadong manalo sa bawat competition,” sabi ni Jom. “Kaya gusto kong magtayo ng isang car racing school na doon magsisimula ang mga batang gustong sumali sa sport na ito.”

Biniro si Jom na baka makalimutan na niya ang lovelife niya, sagot niya ang mga kotse raw niya ang girlfriends niya ngayon. “Gusto ko ring i-develop ang hilig ng anak kong si Andre sa sport na ito, kaya lamang, minsan, pabagu-bago ng isip, gusto rin daw niyang mag-artista. But kahit ano’ng gusto niyang gawin, narito lamang ako to support him.”

Babalik sa Korea si Jomari sa November 2, para sa isa pang round ng competition.

ACCENT ONE CHAMPIONSHIP

DENNIS TRILLO

JOM

JOMARI

JOMARI YLLANA

KOREA INTERNATIONAL CIRCUIT

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with