Anne hindi kayang iwan ang career sa ‘Pinas kapalit ng buhay-Hollywood
Kahit pa going international na si Anne Curtis dahil nga sa kanyang first international film na Blood Ransom, ang magkaroon ng Holywood career permanently at ang iwan ang Pilipinas ay wala naman daw sa plano niya ngayon.
“Well, every actress would like to go there, take your time to audition, but it’s so hard to also leave what you have here. I find that hard but it’s every girl’s dream to try doing it, that’s why when I got the opportunity to have an audition, I just said, “yay, it’s perfect!” Everything just fell into place, actually. It’s like a dream come true,” say ni Anne.
Ayon pa sa aktres at host ng It’s Showtime, mahirap naman daw i-give up ang isang bagay na stable na tulad ng career niya rito sa ‘Pinas.
Dito nga naman ay araw-araw siyang napapanood ng kanyang fans, katakut-takot ang endorsements niya at hindi rin nawawalan ng pelikula at TV projects.
Basta sa ngayon ay excited raw siya sa showing ng Blood Ransom sa Oct. 29, hindi lang para sa sarili niya kundi para sa kanyang fans.
“I’m just very excited for my fans to be able to see something that I’ve never done before. I’m very excited to see the finished product but even more excited for my fans,” she said.
Isa sa mga bagay na puring-puri ni Anne sa filmmaking sa U.S. ay ang working hours. Very organized and systematic daw at walang puyatan.
“They make sure that we get enough sleep,” she said.
After ng first day showing sa ‘Pinas ay lilipad naman agad sa U.S. si Anne para naman sa premiere showing ng movie sa U.S. on Oct. 31.
Diana wala raw limitasyon sa gagawing indie kasama si Allen
Excited si Diana Zubiri na makatrabaho si Allen Dizon sa indie film na Daluyong (Storm Surge) dahil bagong experience na naman ito for her since first time niya na makasama ang aktor.
In fact, first time nga lang daw niya na-meet si Allen sa story conference and press launching ng movie.
When asked kung gaano siya ka-sexy sa pelikulang ito, ayon kay Diana ay hindi pa niya alam dahil wala pa raw script.
“Kung ano po siguro ‘yung nasa script, gagawin ko naman po.”
Wala bang limitations?
“Wala naman po, basta ipalalabas nila, huwag nilang ika-cut,” natatawa niyang say.
Excited din si Allen to be working with Diana for the first time.
“Sa tagal ko na rin, first time ko siyang makakasama so, sana, abangan ng mga tao,” sabi ni Allen na kapapanalo lang bilang Best Actor sa 9th Harlem International Film Festival sa New York for his performance in Magkakabaung.
Natanong si Diana kung ano ang masasabi niya na may international award ang kanyang makakasama, say niya, “pressure!”
“Siyempre, mas napi-pressure ako and sana, maging magaling din ako sa pelikula at sana tulungan niya rin ako,” say niya sabay-tawa.
Si Diana rin naman ay may Best Actress award na sa indie film niya in 2011 na Bahay Bata given by the Young Critics Circle.
“Ay, natiyamba lang naman ‘yun, isa lang naman ‘yun,” pa-humble pang say ng sexy star.
Ang nakakatuwa kay Diana, she just finished her Theater Arts course at nakatakda siyang magmartsa sa April next year.
Ito raw ang gift niya sa magulang niya na kahit medyo late na, nakatapos pa rin siya ng kurso.
- Latest