Successful ang meet-and-greet kahapon ng Gutierrez family sa Eastwood Mall sa Libis, Quezon City.
Pinagkaguluhan ng fans ang kontrobersyal na pamilya na napapanood tuwing Linggo sa kanilang reality show na It Takes Gutz to be a Gutierrez.
Hindi nagpatalbog si Annabelle Rama sa mga anak niya dahil aliw na aliw sa kanya ang fans.
May ready answer si Bisaya sa mga nagtatanong sa sinabi sa kanya ni Ruffa Gutierrez na naging dahilan ng kanyang sleepless nights.
Ang panoorin ang mga susunod na episode ng kanilang reality show ang sagot ni Bisaya sa mga nagtatanong dahil nakunan ng mga camera ng It Takes Gutz... ang pag-uusap nila ni Ruffa na ikinaloka niya.
Yasmien ang sipag sa yagit
Ang sipag-sipag ni Yasmien Kurdi na mag-promote ng Yagit dahil gusto niya na maging mataas ang ratings ng afternoon teleserye na pinagbibidahan nila nina James Blanco at Renz Fernandez.
Masuwerte si Yasmien dahil very supportive sa mga ginagawa niya ang kanyang pilot husband na si Rey Soldevilla, Jr.
Sinamahan pa ni Rey si Yasmien sa press launch ng Yagit at binitbit niya ang kanilang anak. Habang iniinterbyu si Yasmien ng mga reporter, si Rey ang nag-aalaga sa anak nila.
James nagpapasalamat sa mainit na pagtanggap
Nagpapasalamat si James Blanco sa mainit na pagtanggap sa kanya ng GMA-7.
Balik-Kapuso si James na maligayang-maligaya dahil sa magandang role sa Yagit na ipinagkatiwala sa kanya ng Kapuso Network.
Matagal-tagal na rin mula nang mapanood si James sa GMA-7 dahil lumabas siya sa mga programa ng ABS-CBN.
Malaki ang utang na loob ni James sa GMA-7 dahil dito nagsimula ang kanyang showbiz career. Ang mga negosyo nila ng asawa niya ang inasikaso ni James noong hindi ito active sa showbiz.
Pero hindi magawa ni James na tuluyan na talikuran ang entertainment industry kaya ni-reinvent niya ang sarili. Malaking tulong ang reinvention na ginawa ni James dahil nagkasunud-sunod ang kanyang mga television project.
Alfred at pamilya sa Italy magpa-pasko
Pinasaya ni House Representative Alfred Vargas ang kanyang constituents sa District 5 dahil sa mga artista na inimbitahan niya at nag-perform sa 75th Diamond Jubilee Celebration ng Quezon City na ginanap noong Sabado sa isang lugar sa Fairview na hindi kalayuan sa bahay ko.
Marami ang pagdiriwang na naganap sa iba’t ibang panig ng Quezon City at kinagabihan, nagliwanag ang kalangitan dahil sa bonggang fireworks display.
Hindi pa ako sure kung matutuloy ang plano ni Alfred na mag-Pasko sila ng kanyang pamilya sa Italy, ang bansa na kinalakihan at pinagmulan ng misis niya.
Debut ng anak nina Herbert at Tates nakasabay sa Diamond Jubilee ng QC
Kasabay ng Diamond Jubilee Celebration ng Quezon City ang debut ni Athena, ang unica hija ni QC Mayor Herbert Bautista at ng kanyang partner na si Tates Gana.
Nakita ko ang mga picture ng birthday party ni Athena na halata na masayang-masaya sa importanteng bahagi ng buhay niya.
Kasama ni Athena sa pictures ang kanyang mga magulang na dumaan sa isang malaking pagsubok ang relasyon.
Imbes na magsalita, minabuti ni Mama Tates ang manahimik kaya lalong humanga sa kanya ang mga tao. Nag-focus si Mama Tates sa pag-aalaga sa mga anak niya at never siya na nagbitaw ng salita na makakasira sa pagkatao ni Papa Herbert.