Dingdong game sa laswaan

May pagka-naugthy party pala ang pinang-imbita  sa amin ng  GMA7 para kay Dingdong Dantes, na ilang linggo na lang ang pagiging bachelor dahil sa December 30 na ang grand wedding nila ng pinaka-magandang artista sa balat ng showbiz & TV world, walang iba kundi  si Marian Rivera.

Nagpapasalamat si Dingdong sa entertainment press na nakasama niya sa simula pa lang ng kanyang career kaya naman hindi niya raw malilimutan ang showbiz press.

Game na game si Dingdong at panay lang ang tawa nang gabing makapiling namin kahit may  kalaswaan na ang games.

Cool guy talaga si Dingdong. Congrats.

Alden hindi pinabayaan ni Regine

Sa isang event ng Bet ng Bayan show kami nagkita ni Alden Richard.  

Grabe ang karisma ng co-host ni Regine Velasquez- Alcasid sa bagong game show ng GMA 7. Pero sabi ni Alden sobrang nerbyos siya noong mga unang araw ng pa-audition nila.

Takot na takot din daw siya kay Regine noong umpisa, pero nang makatrabaho na niya ito ang bait bait daw ni Songbird at nawala lahat ng kaba niya nang magkatrabaho sila.

Kaya naman nagpapasalamat ang Kapuso aktor sa kabutihan ni Mrs. Ogie Alcasid.

Get well soon Tita Vero…

 Get well soon, Vero Samio, past President ng PMPC at kasamahan nating kolumnista sa Pilipino Star NGAYON. Am sure, makaka-recover na siya, sa tulong ng prayers ng kanyang family and friends, her daughter, Dr. Liza Samio ng Rizal Medical Center, at higit sa lahat ng Divine Healers, Lord Jesus & Padre Pio, Amen!!!!

(Get well soon Tita Vero. – PM staff)

PMPC may pa-badminton tournament

Ngayong Sunday, Oct. 12 isang invitational Celebrity Badminton Tournament ang gaganapin sa The Power Play, Apo St. corner Quezon Ave. sa ganap na 1 p.m.- 7 p.m. with T-shirt  & lafang. May registration  fee na 1000 pesos  para po sa  pondo ng Philippine   Movie Press Club for the benefits ng mga member sa panahon ng mga  pangangailangan kapag nagkakasakit. Hala na join na mga  ka-friendship.

Show comments