^

Pang Movies

Bagong advocacy Marian gustong pangitiin ang mga may diperensya sa labi

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Sa kabila ng busy schedule ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, after ng Kapuso Adopt-A-Bangka advocacy kung saan tumulong sila sa mga fishermen sa Northern Cebu na nasalanta ng bagyong Yolanda last year, naglunsad ng panibagong advocacy ang actress, ang Smile Train. Post niya sa kanyang Instagram (IG) account: “Iba talaga ang nagagawa kapag nakakakita tayo ng isang tao na nakangiti – nakakadala, nakakapagbigay-inspirasyon, nakakahawa ng positibong enerhiya, at sa totoo lang marami talagang nababago sa isang ngiti lamang! Kaya narito ang ­aking bagong advocacy na naglalayon na bigyang ngiti ang lahat ng tao na may diperensiya sa labi at kung may kilala kayong may cleft lip or palate, i-text o itawag sa Smile Train para sa libreng operasyon, sa 0917-52TRAIN (0917-52-87246) dahil masaya akong makita ang bawat tao na may ngiti sa kanilang labi at masasabi natin ng “YANang Smile” #YanAng Smile.”

Natandaan naming matagal na itong plano ni Marian at naihingi niya ng advice sa Tatay Tony Tuviera niya ng APT Enterainment na nangakong susuportahan siya sa bago niyang advocacy. Tiyak na may support group na rin si Marian dahil nag-post na siya kung ano ang gagawin ng may gustong maoperahan sa cleft lip at palate.

Two episodes pala per taping day ang ginagawa ngayon ni Marian para sa every Saturday primetime dance show niyang Marian para naka-focus na raw lamang siya sa ilan pang detalye ng wedding nila ni Dingdong Dantes sa December 30.

Mga batang yagit walaNG karanasan sa pag-arte

Nakakatuwa ang presentation sa grand launch ng bagong afternoon prime ng GMA-7, ang remake ng top-rating drama series in 1986, ang Yagit. Naglagay sila ng parang riles ng train sa loob ng Studio 6 at habang ipini-present ang bawat members ng cast, pumapasok silang nakasakay sa parang kariton na pinatakbo sa riles ng train.                                        Unang ipinakilala ang four new child stars na dumaan sa audition para sa kani-kanilang role: Judie dela Cruz as Jocelyn, Zymic Jaranilla as Ding, Jemwell Ventinilla as Tom Tom, at Chalui Malayao at Eliza. Kasunod si Direk Gina Alajar, then ang iba pang members ng cast, sina Yasmien Kurdi, James Blanco, LJ Reyes, Renz Fernandez, Wowie de Guzman, Rich Asuncion, Raquel Villavicencio, Frank Magalona, Ina Feleo, Maricris Garcia, and another child star na pumasa sa audition at binigyan ng special role, si Steph Yamut.

Natanong si Direk Gina kung hindi ba siya nahirapang idirek ang mga new child stars, dahil wala pa silang experience umarte, maliban kay Chlaui na nakagawa na ng isang TV commercial? Mahirap daw talagang magdirek ng mga bata, pero enjoy siyang idirek sila dahil sumusunod sila sa mga itinuturo sa kanilang gagawin sa bawat eksena. Ayon pa sa kanya, hindi raw siya mapapahiya at ang GMA 7 production team kapag napanood na silang gumanap, at makikiiyak, makikitawa kayo sa mga batang ito. Kaiinisan at magagalit naman kayo sa mga taong umaapi sa kanila.

Sa Lunes na, October 13, ang pilot telecast ng Yagit. Papalitan nito ang Dading na final episode na bukas, October 10, pagkatapos ng The Half Sisters.

 

CHALUI MALAYAO

DINGDONG DANTES

DIREK GINA

FRANK MAGALONA

GINA ALAJAR

HALF SISTERS

INA FELEO

SMILE TRAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with