Thankful si Matteo Guidicelli na napasama siya sa comedy film na Moron 5.2 considering na sa part 1 ay hindi naman siya kasama.
Aminado siyang noong una ay intimidated siya dahil komedyante raw lahat ang kasama niya plus ang blockbuster director pang si Wenn Deramas.
“So I didn’t know how to put myself in. But sobrang welcoming naman sila sa akin at marami akong natutunan sa kanila. I enjoyed it so much that it came naturally, parang bata lang ako sa set, my inner child came out. Sobrang enjoy,” say ni Matteo sa presscon na ginanap last Tuesday night sa Music Hall sa Metrowalk, Ortigas.
Pero may kabuntot din itong intriga dahil ang tsika, natanggal daw ang original cast na si Martin Escudero dahil kay Matteo.
“I don’t think na kasalanan ko or anything. I guess, it’s their decision or whatever, ‘di ba? But no bad blood with me and Martin of course. He’s a cool guy, I know him from GMA-7 before.
“’Yun lang, I’m just blessed to be here and I’m thankful that I’m in the film,” say ni Matteo.
Siyempre, hindi rin pwedeng hindi matanong sa kanya ang girlfriend na si Sarah Geronimo at say niya, going smooth naman ang lahat sa kanilang relasyon.
Natanong siya kung totoo ang tsika na nang pumasok sa dressing room niya sa ASAP si Sarah ay tinawag daw ito ng inang si Mommy Divine at pinabalik.
“I don’t know, you know, if I go in Sarah’s dressing room, I think there’s nothing wrong about that. We’re not doing anything crazy or anything inside.
“She’s my girlfriend, I can go in her dressing room, ‘di ba? We’re old enough, we’re not kids anymore,” say ni Matteo.
Samantala, ang Moron 5.2 ay isa sa dalawang pelikulang pinirmahan ni Matteo sa Viva Films. Ginagampanan niya ang role na dating iniwan ni Martin.
“Parang ‘yung karakter ni Martin Escudero, nasunugan ng mukha, may nangyari sa ospital, so, naging ako,” say ni Matteo.
Showing na sa Nov. 5 ang Moron 5.2 at kasama rin dito sina Billy Crawford, Marvin Agustin, Luis Manzano, DJ Durano, and John Lapus.
Kaye masayang nagka-happy ending sina Chito at Neri
Sa presscon ng Two Wives ay natanong si Kaye Abad kung ano ang masasabi niya na malapit nang lumagay sa tahimik ang ex-boyfriend niyang si Chito Miranda sa girlfriend nitong si Neri Naig.
“Masaya, actually. Masaya ako for them, na finally, ano, ‘yun nga ang parati kong sinasabi, they deserve a happy ending talaga. Sa lahat ng pinagdaanan nila, na finally, eto na. Happy ending silang dalawa, so masaya ako for them,” say ni Kaye.
As for her personal life, si Paul Jake Castillo ang kanyang current boyfriend pero wala pa naman daw silang napag-uusapan tungkol sa kasal.
Pero nakikita na ba niya ang sarili niya na maging “wife” ni Paul Jake?
“Oo naman. Una, hindi ko naman siya ibo-boyfriend kung hindi ko naman nakikita ang sarili ko sa kanya,” say ni Kaye.
Bago pa lang naman daw ang relasyon nila pero matagal na raw silang magkaibigan.
Si Erich Gonzales na co-star ni Kaye ay natanong din kung nakikita na ba niya ang sarili niya na magiging wife na rin ng kanyang non-showbiz boyfriend.
“Siyempre naman po, sa bawat karelasyon mo, ‘di ba, kasi ako po, seryoso, eh, hindi naman po playtime, so kung sino po ang karelasyon ko ngayon, ipinagdarasal natin na sana sa future, siya na rin ang makakasama natin.
“’Yung mga bagay na ganyan, it’s a decision, eh. Kapag napagdesisyunan mo na siya na, you’ll work things out kahit na ano pa man at kapag mahal mo ang tao, mahal mo, wala nang kung anu-ano pang dahilan,” say ni Erich.
More than 3 years na raw ang relasyon nila at going strong daw.
Kasama rin nina Erich at Kaye sa Two Wives sina Patrick Garcia and Jason Abalos. Magsisimula itong umere sa primetime slot ng ABS-CBN ngayong Lunes, October 13 at papalitan nito ang magtatapos naman ngayong Friday na Sana Bukas pa ang Kahapon starring Bea Alonzo and Paulo Avelino.