^

Pang Movies

Direk Paul gusto na ring mag-asawa

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Marami ang nag-akala sa mga nanood ng concert ni Toni Gonzaga last Friday na Celestine sa MOA Arena na magpu-propose ang nobyo nitong si Direk Paul Soriano.

Nilinaw ni Direk Paul nang umattend siya last Saturday sa katatapos na 11th Golden Screen Awards ng ENPRESS sa Teatrino Greenhills, na best scenario na sana ‘yung concert ni Toni para mag-propose siya sa Celestine ng buhay niya, pero hindi niya ito sinamantala. Mas type ni Direk Paul na mag-propose kay Toni behind the camera. Promise naman ng direktor na magkukuwento agad kapag nagawa na niya ang pagpo-propose kay Toni.

Aminado naman si Direk Paul na pinag-iisipan na niya kung paano siya magpu-propose ng special na magugustuhan ni Toni. Ready na rin si Direk Paul na mag-asawa at hinihintay lang niya ang ‘God’s perfect time’ kung kailan ito mangyayari.

Thankful si Direk Paul dahil tanggap na siya sa family ni Toni at vice versa rin naman sa side ng direktor.

Samantala, natapos na pala ni Direk Paul i-shoot ang pelikulang Kid Kulafu na pinangungunahan ni Cesar Montano. Ang Kid Kulafu ay life story ng unang trainor ni Manny Pacquiao, 15 years ago, bago pa siya nabigyan ng pagkakataon na maging champion. Sabi ni Direk Paul, kakaiba raw ang idea ni Kid Kulafu na hindi pa napanood o nakikita sa mga nauna nang movie tungkol kay Pacman.

Ipakikita rin sa bagong movie ang childhood ni Manny, ang buhay niya sa bundok, mula sa GenSan hanggang sa kung paano siya nahilig sa larong boxing. Kahit daw si Manny ay  impressed nang mabasa na nito ang script hanggang sa i-present na ni Direk Paul ang buong idea ng Kid Kulafu.

Pupunta rin si Direk Paul sa L.A. para sa final editing ng Kid Kulafu. Iri-release ng kanyang sariling film firm na Ten17 production ang pelikula.

Kilala naman si Direk Paul sa husay at galing nito sa paggawa ng movie tulad ng pelikula niyang Thelma na umani rin ng maraming awards. Sa katatapos na Golden Screen Awards ay nanalo ng 9 awards ang prinoduce ni Direk Paul na pelikula na Transit kahit pa mahigit isang taon na itong naipalabas.

Kabilang sa napanalunan ng Transit ay Best Motion Picture, Best Director, Best Breakthrough Actress, Best Breakthrough Actor, Best Original Screenplay, Best Original Score, Best Cinematography, Best Production Design, at Best Editing.

ANG KID KULAFU

BEST

BEST BREAKTHROUGH ACTOR

DIREK

DIREK PAUL

GOLDEN SCREEN AWARDS

KID KULAFU

PAUL

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with