Alagang-alaga ng GMA 7 ang tambalan nina Andrea Torres at Mikael Daez kaya pagkatapos magtambal sa dalawang teleserye ay nagbabalik ang kanilang tambalan sa Ang Lihim ni Annasandra.
Sinabi ni Andrea na kahit nabakante sila pagkatapos ng dalawa nilang soap opera ay patuloy pa rin ang kanilang communication at close pa rin sila kaya komportable sa kanilang pagtatambal.
Nahirapan si Andrea sa kanyang role bilang ‘awok’ kung saan isinumpa si Annasandra.
‘Pinakamahirap po ang karakter ko rito dahil sa aking pagbabagong anyo ng isang baboy ramo. Very fulfilling naman nang makita ko sa VTR ang transformation ko,’’ pagmamalaki ng aktres.
Ang Lihim ni Annasandra ay mapapanood simula October 6 sa GMA Afternoon Primetime.
Rochelle nanginig ang buong katawan sa hirap sa taping
Isang mapaghamong papel ang gagampanan ni Rochelle Pangilinan sa Ang Lihim ni Annasandra bilang isang ‘awok’ din dahil sobrang hirap ang dinanas sa karakter na ginampanan.
‘‘Hindi biro ang maging awok. During the transformation nanginig ang buo kong katawan. After kunan ang mga eksena ang sakit ng buo kung katawan at hingal ako nang hingal dahil sa matinding pagod. Ito po ang pinakamahirap na teleserye na nagawa ko,’’ sey ni Rochelle.
Golden screen awards matagumpay na nairaos
Binabati namin ang 11th Golden Screen Awards dahil sa itong malaking tagumpay. Very deserving ang mga nanalo sa 20 categories. Naging mahalagang bahagi ang pagtanggap ni Ms. Susan Roces ng Lifetime Achievement Award bilang katangi-tanging artista.
Nagpapasalamat kami sa aming mga sponsors na sina Sen. Nancy Binay, Councilor Yul Servo, Vice Mayor Isko Moreno, Dr. Tam Mateo at Nash Coffee, Pome Pure Nexus, Beach Resort of Barangay Nonong Castro ng Lemery Batangas at Dong Juan.