^

Pang Movies

It’s Showtime logo binihisan ng ibang kulay

Pang-masa

MANILA, Philippines - Inumpisahan na ng It’s Showtime ang isang buwang selebrasyon para sa ikalimang anibersaryo nito kahapon (Oktubre 1) sa pamamagitan ng paglantad ng bagong bihis at makulay na anniversary logo bilang simbolo ng lahat ng uri ng madlang people na kasama sa kasiyahan at pagdiriwang ng numero unong noontime program sa bansa.

Hinugot ang inspirasyon para sa logo mula sa theme song ng programa na kahit anumang kulay, lahi, at pinagmulan, maaaring magpasikat at makisaya. Opisyal na inumpisahan ang anniversary party ng isang masiglang dance medley mula sa hosts na sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Kuya Kim Atienza, Billy Crawford, Karylle, Jhong Hilario, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang, Coleen Garcia, Eruption Tai, at Vice Ganda.

Para makiisa sa selebrasyon, bumalik din sa It’s Showtime stage ang ilan sa mga naging kampeon at finalist ng iba’t ibang season ng programa kagaya na lamang ng True Colors, Next Level Octomix, Savannah Kids, Super Crew, D’ Bomb, and Astig Pinoy. Aasahang magbabalik din ang iba pang grupong nagpasikat sa programa sa nakalipas na limang taon bilang bahagi ng Throwback Thursday at Flashback Friday.

Bukod diyan, kaabang-abang din ang pangalawang monthly finals ng PinaSikat na gaganapin ngayong Sabado (Oct 4). Sa nasabing araw, rarampa rin ang 58 na grand finalists para sa Gandang Lalake na maglalaban-laban para sa grand title sa gitnang bahagi ng buwan.

Huwag magpahuli sa party-party at makisaya sa enggrandeng fifth anniversary celebration ng It’s Showtime ngayong Oktubre, 12:15 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes at 12 n.n. tuwing Sabado sa ABS-CBN.

vuukle comment

ANNE CURTIS

ASTIG PINOY

BILLY CRAWFORD

COLEEN GARCIA

ERUPTION TAI

FLASHBACK FRIDAY

GANDANG LALAKE

JHONG HILARIO

JUGS JUGUETA

SHOWTIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with