Sheena gusto na rin magka-baby, inggit kina Jennylyn, Yasmien, at Mark

This week papasok ang character ni Sheena Halili bilang si Yasmien, ang probinsyanang makikilala ni Rocco Nacino as Joseph sa Hiram Na Alaala. Alam naman natin na nagkaroon ng relasyon noon sina Sheena at Rocco, pero ngayon, may Lovi Poe na ang actor. Kumusta naman ang pagtatrabaho nila for the first time sa isang drama series? Medyo awkward daw noong una, pero mga artista naman sila, kaya nagampanan din nila ang character na hinihingi sa kanila. Paano kung may kissing scene sila?

Nang pumirma raw siya muli ng contract sa GMA Artist Center at co-managed na siya ni Becky Aguila, sinabi niya na since she’s already 27, ready na siyang magpaka-artista talaga, at kakayanin na niya anumang eksena ang ipagawa sa kanya. Matagal na raw iyong nangyari sa kanila ni Rocco at happy siya na happy si Rocco with Lovi.

Inamin ni Sheena na mayroon siya somebody special, non-showbiz, a businessman, pero wala pa silang relasyon. Inggit daw siya sa mga kasama niya sa first batch ng StarStruck na sina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Katrina Halili, at Mark Herras na may mga anak na, pero siya, kasal muna bago anak.

Nag-aaral ngayon si Sheena sa Philippine School of Interior Design, iyon daw ang kinuha niya dahil connected sa construction business ng family nila.

Sibat na gamit sa fight scene totoo pala, Rocco natamaan sa Adarna

Happy naman si Rocco Nacino na maipalalabas na sa big screen ang pelikulang totoong nahirapan siya habang nagsu-shooting under Jun Urbano, ang Ibong Adarna: The Pinoy Adventure, bilang paggunita sa ika-100 taon ng pelikulang Pilipino. May fight scene pala siya roon with a native na totoong sibat talaga ang gamit. Late na nang malaman iyon ni Direk Jun na nasugatan si Rocco.

A professional, hindi na nagreklamo si Rocco, bilang part of his work. Mamayang gabi ang premiere night ng movie sa SM Megamall, as produced by Gurion Entertainment, Inc. at tampok din sina Joel Torre, Angel Aquino, Leo Martinez, Benjie Paras, Pat Fernandez as the diwata, Ronnie Lazaro at marami pang iba.  Suportado ang pagpapalabas ng Department of Education at ipapapanood ito sa mga mag-aaral. Mapapanood na ito simula sa Miyerkules, October 1. Napanood na namin ang movie at humanga kami sa production design at sa cinematography.

Janno gustong gumawa ng drama pero takot magpasampal

Mami-miss ni Janno Gibbs ang family dramang My BFF nila nina Manilyn Reynes at child stars Jillian Ward at Mona Louise Rey na nasa final week na simula ngayong Monday, bago ang 24 Oras. Nagustuhan na rin daw niyang mag-drama kahit mahirap ito kaysa magpatawa. Gusto ni Janno na makasama sa isang project si Maricel Soriano. Payag ba siyang masampal ng maraming beses tulad sa ginawa ng actress as Millet kay Dingdong Dantes sa Ang Dalawang Mrs. Real? Hindi raw niya kaya, sa My BFF, nasampal din daw siya ni Manilyn, pero ilang beses lamang. Pasalamat daw siya na chubby ang face niya kaya hindi na halata kung mamamaga ang mukha niya.

Show comments