Someone extra close to Albert Martinez denies the actor is considering the idea of leaving ABS-CBN, para lumipat sa GMA-7.
‘‘In the first place,’’ anang informer: Wala namang balitang may offer siya from GMA-7.
‘‘At saka, alagang-alaga siya ng Kapamilya. Hindi siya nawawalan ng project. At ‘di basta-bastang project, ha.’’
Currently nga naman, Albert is cast in the top rating series, Sana Bukas pa ang Kahapon, co-starring him sina Bea Alonzo, Paulo Avelino, Dina Bonnevie, Tonton Gutierrez, Eddie Garcia, at Susan Roces.
“At heto, ha,’’ again, ang kausap namin. ‘‘May pasabog ang series, towards its ending, na may kinalaman sa role ni Albert.
‘‘Isa ito sa dapat abangan sa Sana Bukas pa ang Kahapon,’’ patapos pa ng aming source.
Marion mas piniling pasukin ang mundo ng musika kaysa gamitin ang pinag-aralan
Dugong musician pala ang nanalaytay sa ugat ng Himig Handog interpreter ngayong gabi ng awiting Pumapag-ibig, composed by Jungee Marcelo na si Marion Aunor. Gaganapin sa Araneta Coliseum ang finals.
Let’s start with her lola Belen, na siyang nagsilbing trainer at coach ni Nora Aunor, noong nagsisimula pa lamang ang Superstar as a singer.
Singer din ang kanyang inang si Lala Aunor, na member ng dating tinaguriang Apat na Sikat in the 70s. Nakasama ni Lala sa grupo sina Winnie Santos, Dondon Nakar, at Arnold Gamboa.
Ang kanyang ama naman is a pianist.
A graduate of a Communication Technology Management degree, from no less than the Ateneo de Manila University, nanaig ang pagnanais na maging singer at composer ni Marion.
Marion, a contract recording artist ng Star Records, has noted composer Vehnee Saturno, for her talent manager.
Regine magpapasaya ng mga Pinoy teachers
Saludo kami, Salve A., sa effort exerted by the Gabay Guro, an organization, chaired by Chaye Cabal-Revilla, wife of Bacoor Mayor Strike Revilla and finance officer of PLDT (Philippine Long Distance Telephone Company) ‘di lang para gabayan kundi matulungan ang mga guro natin, specifically, the public school teachers, improve their lives, considering nga naman na they are underpaid.
This coming month, October 5 exactly, the organization, otherwise known, too, as PLDT Gabay Guro (2G), is staging an event, isang grand gathering para sa mga Pinoy Teachers na tinitiyak na hindi lang mga teachers ang mag-a-attend, kundi mga kilalang celebrities din. Sure na to attend sa 2G is Regine Velasquez, na siyang kumanta ng theme song of Gabay Guro, for free. Ang awitin is a composition ng younger sister ni Regine, si Cacai Velasquez at ang naglapat naman ng musika ay ang asawa nitong si Raul Mitra.
Highlight of the event, na gaganapin sa MOA (Mall of Asia) Arena, will be the awarding of a brand new house and lot to the lucky winner sa isang raffle na gagawin. This grand prize is courtesy of Camella Homes.
At stake, too, are prizes, courtesy aim of Gabay Guro’s other sponsors: A brand-new APE 3-wing van, a product of Autoitalia, motorcycle, courtesy naman ng Auto Hub, at pang-hanap-buhay tricycle, na ang may bigay naman ay Honda Phils., Inc.
Minor prizes include livelihood program packages and cash gifts.