Finally ay nag-propose na rin si John Prats sa girlfriend nyang si Isabel Oli and in fairness, panalo ang kanyang kakaibang proposal na ginawa sa Eastwood mall last Wednesday.
Halatang pinaghandaan ni John ang proposal dahil kumontrata pa siya ng may 300 katao to create a flash mob.
Kasabwat din ni John ang kani-kanilang pamilya sa inihandang proposal at tanging si Isabel lang ang clueless sa gagawin ng aktor.
Ang buong akala ng aktres ay pupunta lang sila sa mall ni Camille Prats na kapatid ni John.
Nang mapadaan sila sa plaza ng Eastwood, napansin ni Isabel na may namumuong crowd kaya tiningnan nila kung ano ito. Biglang may nagsayawan at dito na nga lumabas si John habang nagsasayaw din.
Nag-set-up din ng video message si John para sa girlfriend na ipinakita sa big screen ng park at sinundan ng fireworks display.
Pagkatapos nito ay lumuhod si John sa harap ni Isabel at dito na nag-propose with matching engagement ring.
Umiiyak namang sumagot ang aktres ng “yes” sa gitna ng hiyawan ng lahat.
Early next year daw ang kasal ng dalawa tulad din nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero at para namang pinagtiyap ng pagkakataon, magkapareho ng birthday sina John at Heart which si Feb. 14 kaya malamang na buwan din ng Pebrero nila i-schedule ang kasal.
Shadow scene pinag-usapan
Muling nag-trending ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon sa episode last Wednesday kung saan ay umamin na si Rose (Bea Alonzo) kay Patrick (Paulo Avelino) ng tunay niyang pagkatao.
Bukod dito, sobrang kinilig ang mga fans sa mga eksena ng dalawa partikular na ang “rain scene” at “shadow scene”.
Isang komento nga ang nabasa namin na ngayon lang daw niya napanood ang “shadow scene” sa isang teleserye.
Bago nga naman ang naturang scene at hindi pa nagagamit sa anumang teleserye o kahit sa mga pelikula nina Bea and John Lloyd Cruz.
Kim malungkot nang ‘mawala’ si Kristoffer pero mas sumaya nang bumalik si Kiko
Ilang taon ding naging ka-love team ni Kim Rodriguez si Kristoffer Martin kaya say ng young actress, siyempre, kahit paano ay nalungkot siya na hindi na niya ito kapareha sa seryeng Strawberry Lane sa GMA 7 na kasalukuyang umeere ngayon sa primetime slot ng network.
“Siyempre, ilang taon ko siyang kasama, nasanay na rin ako na siya ang laging kaeksena ko pero at the same time, happy din naman ako na si Kiko (Estrada) naman ang ka-love team ko ngayon dahil matagal ko na rin siyang kaibigan,” say ni Kim.
Hindi ba pinagselosan ni Kiko si Kristoffer kahit minsan?
“Hindi ko po alam,” safe na sagot ni Kim.
Pero dugtong niya, “ang alam ko lang, dumadalaw si Kiko sa taping namin noon.”