Hindi makapaniwala ang dalawang bagong talent ni JayR na Fil-Am na sina Flava Matikz at Knowa Lazarus na pumayag ang mga sikat na sina Ogie Alcasid, Yeng Constanino, at Ebe na makasama agad nila sa kanilang album na may title na Q-York by Q-Labonation.
Feeling blessed ang dalawa sa pagpayag ng tatlong batikang singer.
Game na game daw si Yeng kaya nagawa agad ang kantang Hindi Ka Nag-iisa. Nagsilbi naman mentor nila si Ebe habang ginagawa nila ang kantang Wag Susuko. Bumilib din sila sa pagiging humble ni Ogie na walang ere na nakipag-collaborate rin sa kanila ng kantang This is For You.
Lumaki at ipinanganak sina Flava at Knowa sa New York at L.A. Bata pa lang sila ay pinangarap na nilang makapunta rito sa ‘Pinas. Gusto nilang mahanap ang kulturang Pinoy na hindi nila kinalakhan. Ang tatay nila ay parehong tubong Davao at ang nanay ni Flava ay sa Manila naman. Si Flava ay graduate ng music technology samantalang si Knowa naman ay tapos ng management of music.
Mapapahiya si Robin Padilla na balak na umanong umalis ng ‘Pinas dahil sa sumusuko na sa rami ng problema ng bansa. Samantalang ang dalawang Fil/Am na lumaki sa Amerika, pangarap na manirahan sa ‘Pinas for good kahit maraming problema at nega na ang image sa ibang bansa.
Kaya pati asawa at mga anak nila ay bitbit na nila rito sa bansa dahil nga sa plano nilang manirahan na sa bansa.
Wish din nilang magsilbi rin silang tulay para maipalaganap ang musikang Pinoy sa buong mundo.
Samantala nakasama rin nila sa album Kris Lawrence sa song na Keep the Faith, Kat Lopez (Lead the Way), Sponge Cola Maqulit, Marcus Davis (Be the Man) Jay Durias ng South Border, Roxee B, Izz (Mallin’), ang bandang Kley, Abby Asistio at Hans Dimayuga (7101 Inspiration, Mica Javier (Hey Girl), at maging si JayR (Quietly Brillant) na producer ng album ng dalawang Fil/Am sa music label nitong HomeWorkz.