Lani hindi na masyadong tumatanggap ng serye para mabisita si Bong

Happy birthday today, September 25, to Senator Bong Revilla. Nagkaroon kami ng chance na mabisita na at mabati nang personal ang Senador noong Tuesday, September 23, pero parang birthday na niya dahil sa rami na ng mga bumisita at bumati sa kanya na may mga dalang iba’t ibang pagkain. Biro ni Sen. Bong, hindi sila papayat ni Sen. Jinggoy Estrada dahil lagi silang maraming pagkaing bigay ng kanilang mga bisita.  

Present si Rep. Lani Mercado-Revilla, na bago kami duma­ting ay namuno na ng blood-letting sa multi-purpose hall ng Camp Crame na dinaluhan ng maraming mga kaibigan, pulis, at sundalo. Lahat ng nag-participate ay binigyan nila ng certificate na kung sila ang mangailangan ng dugo, libre silang makakakuha sa mga hospitals na pagbibigyan nila ng dugo. 

Dasal ni Sen. Bong sa kanyang birthday, sana ay maging maa­yos na rin ang lahat. Si Lani naman ay patuloy daw ang trabaho bilang congresswoman, pagiging mother to their children, and wife to Sen. Bong.  Naggi-guest din siya sa mga shows sa GMA 7. Hindi na raw muna siya tumatanggap ng full-length soap, para walang conflict sa kanyang schedules. Sa ngayon, may special participation siya sa Strawberry Lane as the adoptive mom of Bea Binene, na napapanood after ng 24 Oras. 

Bago kami umalis sa Camp Crame, naglalaro na ng basketball si Sen. Bong with the other detainees doon. Advice raw ng PNP doctor na kailangan din niyang mag-exercise, kaya basketball at boxing ang nilalaro nila roon.

Dokyu Filmfest ng GMA News nasa mga sinehan na

Isang magandang move ng GMA News TV ang pag-put up ng first ever documentary festival, ang Cine Totoo Philippine International Documentary Film Festival.

Nagsimula nang ipalabas kahapon, September 24, ang mga entries for competition sa SM Megamall, SM Manila at Trinoma Mall.  

Mapapanood ang 11 entries from filmmakers from all over the country, with Joseph Laban (producer ng award-winning Front Row ng GMA News TV), as the festival director. Tatagal ang showing hanggang September 30, screening time are 6:30 p.m. and 8:45 p.m. sa lahat ng sinehan.

Ang mga documentaries na may one hour screening time ay: Agbalbalitok (The Gold Prospector) ni Ferdinand Balanag; A Journey to Haifa by Nawruz Paguidopon; Ang Gitaristang Hindi Marunong Mag-skala ni Sigfreid Barros-Sanchez; Ang Walang Kapagurang Paglalakbay ng Pulang Maleta ni Richard Legaspi, Gusto Nang Umuwi ni Joy by Jan Tristan Pandy, Kung Giunsa Pagbuhat ang Binisayang Chopsuey (How to Make a Visayan Chopsuey) by Charliebebs Gohitia, Komikero Chronicles bv Keith Sicat; Mananayaw by Rafael Froilan; Marciano by Ivy Rose Universe Baldoza; Migkahi e si Amey te, Uli ki pad (Father Said, Let’s Return Home) by Nef Luczon at Walang Rape sa Bontok by Carla Samantha Ocampo.

Ang Philippine Section documentaries ay maglalaban sa top three awards na Best Documentary Film, Special Jury Prize, at Audience Choice Award.  

Tatanggap sila ng trophies at cash prizes.  Isa lamang sa seven participants in the Southeast Asian section will be awarded as Best Southeast Asian Documentary.

Show comments