Never na inamin noon ni Andi Eigenmann na may relasyon sila ni Jake Ejercito.
Nang kumalat ang litrato ni Jake na nakikipaghalikan sa ibang babae, lumabas ang the truth and nothing but. Hindi napigilan ni Andi na maglabas ng sama ng loob na nagpatunay na may love affair sila ng anak ni Papa Joseph Estrada.
Kung naka-recover si Andi sa nangyari sa relasyon nila ni Albie Casino, wala akong makita na dahilan para hindi siya maka-move on mula sa sakit na idinulot ng pakikipaghalikan ni Jake sa ibang babae.
Judge sa kaso ni Vhong binu-bully
Mariing itinanggi ng kampo ni Vhong Navarro na may kinalaman siya sa voluntary inhibition ni Judge Paz Esperanza Cortes ng Branch 271 Taguig Regional Trial Court.
Pinabulaanan ni Atty. Alma Mallonga ang kumakalat na bintang dahil wala silang kinalaman sa voluntary inhibition ni Judge Cortes, kahit nag-file sila ng motion for inhibition para sa judge na dumidinig sa Serious Illegal Detention Case na isinampa ni Vhong laban sa grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo.
Nagpainterbyu kasi si Atty. Howard Calleja at ito ang nagsabi na nakararanas sila ni Judge Cortes ng mga pangbu-bully.
Pati si Papa Tony Calvento na nakatutok sa kaso ni Vhong, nag-react sa statement ni Atty. Calleja.
In fairness sa kampo ni Vhong, sinusunod nila ang proseso ng batas at wala tayong nabasa o nabalitaan na tinatakot nila si Judge Cortes.
Pero totoo na biktima ng bullying at bashing si Judge Cortes ng mga kababayan natin na hindi makapaniwala na pinayagan na makapagpiyansa ang mga akusado sa serious illegal detention kay Vhong.
Sobra naman talaga ang mga batikos kay Judge Cortes ng mga tao na nakisawsaw at may kanya-kanyang opinyon tungkol sa isyu.
Hindi natin masisisi na nag-voluntary inhibit si Judge Cortes dahil unfair at hindi na makatarungan ang mga batikos sa kanya. Kung ako siguro ang nasa posisyon niya, ganoon din ang gagawin ko. I will choose my battle. I deserve some peace. Hindi ko kailangan ang mga ganyang klase ng stress at paninira mula sa mga tao na hindi ko mga kilala.
Naranasan ko na rin na maging biktima ng mga bashing at bullying sa social media pero never ako na naapektuhan dahil hindi ko nababasa ang mga paninira ng mga tao na ayaw sa akin.
Ito ang advantage ng hindi ko pagkakaroon ng Twitter, Facebook, at Instagram accounts. Luging-lugi ang mga naninira sa akin dahil nag-aaksaya sila ng oras, effort, at emosyon. Balewala ang kanilang mga pagtataray dahil hindi ko nababasa ang mga opinyon nila na hindi naman nakakatulong sa aking pangkabuhayan showcase!