MANILA, Philippines – “Isinilang” na ni Rita Avila ang ikatlo niyang isinulat na libro, ang The Invisible Wings / Ang Nawawalang Pakpak. Last Sunday ginawa ang book launching/signing sa isang book fair sa SMX Convention Center.
Tungkol sa mga manika niyang sina Popoy at Mimay plus isa pang character ang kuwento ng third book.
“Sa pamamagitan ng librong ito, naghatid kami ng magandang leksyon para magkaroon pa tayo ng mas maraming anghel sa lupa,” saad ni Rita.
Layunin ni Rita na hikayatin na magbasa ng libro ang mga bata upang matuto. Plano rin niyang gawing series ang kuwento nina Mimay at Popoy.
“Tapos, may isa pang nagpapasulat sa akin ng nobela. So hopefully, makagawa ako nu’n,” sey pa ng aktres.
Bata pa lang ang aktres ay hilig na niyang magsulat. Ngayon lang daw niya nailalabas ang kahiligan niyang ‘yon at nabibigyan ng pagkakataon na magawa.
“Sa ngayon, hindi ko pa alam kung makakarating ako sa pagsusulat ng nobela. Gusto ko kasi ‘yung maiksi lang para hindi mapagod ang mga bata na magbasa. Makikita pa nila sina Mimay at Popoy sa ibang edisyon naman,” pahayag pa ng aktres.
Nagsilbi ring birthday gift ni Rita sa mambabasa ang book at nu’ng book signing niya, namigay siya ng cupcake sa first 200 buyers. Para rin kasi sa orphanages ang kikitain ng book.
Sa book signing ni Rita, pumasyal ang anak-anakan niyang si Marian Rivera. In case you don’t know, bahagi ng entourage ni Marian si Rita.
“Natuwa ako sa batang ‘yon dahil hindi niya ako kinuhang ninang! Ha! Ha! Ha! Ayoko pang magninang! Ha! Ha! Ha!” rason niya.
Ayon pa kay Rita, iilan lang ang mga artistang kasama sa kasal at ‘yung talagang malapit na malapit sa aktres.
“Bilib ako kay Marian dahil napatunayan na niya ng ilang beses ang loyalty at pagmamahal niya sa akin! Ngayon, bow ako sa batang ‘yon!” pagmamalaki ni Rita.
Aktres hindi nagbayad ng tama sa pinuntahang doctor, nag-assume na type siya
Umiral ang kakuriputan ng kilalang aktres nang magkasakit siya at nagpatingin sa isang espesyalista ng kilalang ospital.
Natugunan naman daw ng doctor ang sakit ng aktres at napigilan ng doctor ang anumang impeksyon na magiging epekto ng sakit. Mahal talagang sumingil ang doctor kaya naman ‘yung dapat na bayad sa kanya lang ang siningil niya.
Pero hindi binayaran lahat ng aktres ang buong bill niya. Binawasan niya talaga ito nang walang lambing sa doctor, huh! Feeling niya, kilala siyang aktres at pasaporte ‘yon upang makabawas siya sa bayad!
Hindi alam ng aktres na hindi attracted ang doctor sa kanya kahit maganda siya. Iba kasi ang preference ng doctor, huh!