MANILA, Philippines - Gustong maging presentable ni Marian Rivera sa Diyos sa araw ng kanyang kasal kaya naman ‘yung disenyo ng wedding gown na isusuot ay less skin base sa interview sa kanya ni Nelson Canlas ng 24 Oras at na-tweet ng GMA News.
Si Michael Cinco ang designer ng gown ni Yan Yan na bumalik ng bansa mula sa Dubai upang makipag-meeting kay Marian kahapon. Ayon pa sa tweet ng GMA News, “Michael Cinco says he will deliver something ‘fabulous.’”
Nitong week lang ay namanhikan na si Dingdong Dantes sa nanay at lola ni Marian. Gusto pa rin kasi nilang sundin ang conservative na tradition ng Pinoy na namamanhikan ang lalaki sa pamilya ng babae upang pormal na hingin ang consent nila.
In between preparations sa wedding, ang taping ng Marian ang tinutukan ng Primetime Queen. Nasa season two na ito at sa dance show, may mga updates na ipinalalabas sa preparations niya ng kasal.
Aktres tsinugi na ni direk, schedule na ibinigay hindi nag-swak
Nagmamadali ang isang indie director na magawa at matapos ang bago niyang obra kaya hindi na niya nahintay pa ang availability ng isang magaling na aktres. Matagal nang nililigawan ng director ang aktres upang magbida sa movie niya.
Sa mga unang script na binigay sa aktres, wala siyang nagustuhan. Pero nang may nagustuhan, nagsabi siya ng schedules niya sa director. Hindi lang naman kasi ang paggawa ng movie ang priority ng aktres kaya nagbigay siya ng schedules ng shooting next year.
Eh, hindi na makahintay ang director. Nagdesisyon siyang palitan ang aktres. Nabasa namin kung sino ang aktres na pumalit.
Wala namang problema sa unang aktres na kinunsidera. Ayaw naman kasi niyang magkaroon ng problema sa schedules once tanguan niya ito. Mas maganda nga naman ’yung ‘pag nagbigay siya ng schedules, dire-diretso ito at walang palya gaya ng schedules na ginawa niya sa previous films niya.
Diego Loyzaga parang nabantilawan na!
Lumutang si Diego Loyzaga sa presscon ng Wattpad Presents ng TV5. Para rin siyang si Kiko Estrada na nagbalik sa GMA matapos pumunta sa ABS-CBN.
Pero kung bida si Kiko sa Strawberry Lane, parang hindi namin nakita ang name ni Diego sa mga shows ng TV5 na mapapanood simula next week. Pawang mga produkto ng Artista Academy ang main stars except for Sam Concepcion na taga-Channel 2 at kapareha ang real girlfriend na si Jasmine Curtis-Smith sa My Tag Boyfriend.
Gaya ni Kiko noon, lulubog-lilitaw din si Diego na nang unang pumasok sa showbiz ay kinakitaan ng potensyal, huh! Pero para siyang nabantilawan na ngayon.